Community Pantry na nagsimula sa Maginhawa QC, ginagawa na rin sa bansang Timor-Leste

Community Pantry na nagsimula sa Maginhawa QC, ginagawa na rin sa bansang Timor-Leste

- Na-inspire ang mga Timorese na gawin ang community pantry na kanilang nakita sa Pilipinas

- Matatandaang sinimulan ito sa Maginhawa, Quezon City hanggang sa kumalat na sa iba't ibang bahagi ng bansa

- At ngayon, maging ang bansang Timor-Leste ay ginagawa na rin ang "bayanihan” na kasalukuyang ipinamamalas ng mga PIiipino

- Si Laser Sumagaysay,Vice Consul of the Philippine Embassy ang nagkaroon ng inisyatibo ng gawain na ito ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-proud bilang isang Pilipino na ang "community pantry" na sinimulan ng 26-anyos na si Patricia Non sa Maginahawa, Quezon City aya nakarating na rin sa bansang Timor-Leste.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Abril 21, nakapagtayo na rin ang isang komunidad sa Rua Governor Serpa Rosa sa nasabing bansa.

Ayon sa Facebook post ng Vice Consul of the Philippine Embassy Laser Sumagaysay, nagustuhan ng mga Timorese ang konsepto ng "bayanihan" sa Pilipinas.

Read also

Lalaking inakalang nakaabang sa isang community pantry, nag-abot ng ₱46 niyang tulong

Community Pantry na nagsimula sa Maginhawa QC, ginagawa na rin sa bansang Timor-Liste
Photo: Community Pantry sa Timor-Liste (Laser Sumagaysay)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito ay sa pamamagitan ng mga community pantry kung saan maari kumuha ang sinoman ng "ayon sa kanilang pangangailangan" habang ang iba naman ay maaring magbigay ng ayon sa kanilang "kakayahan".

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Sumagaysay ang set-up ng kanilang pantry. Tulad nang sa Pilipinas, makikitang kumukuha lamang ng sapat ang mga residente.

"Let us help spread the #bayanihan spirit in Timor-Leste."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

Read also

Sobra na! Babaeng nanimot sa community pantry, nanawagan kay Raffy Tulfo

At ngayon, isa na rin ang bansang Timor-Leste sa mga nakiisa sa pagpapalaganap ng pagtutulungan na mula sa Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica