Sobra na! Babaeng nanimot sa community pantry, nanawagan kay Raffy Tulfo
- Nananawagan ang isa sa mga babaeng nakuhanan ng CCTV na nanlimas ng laman ng isang community pantry kay Raffy Tulfo
- Hiling nito kay Idol Raffy na pagharapin sila ng organizer ng Barangay Kapitolyo community pantry
- Hindi raw kasi sila pinapansin nito kahit na anong pakiusap ang gawin nila
- Nais din daw nilang sampahan ng kaso ang tricycle driver na kumuha ng video na nag-viral din
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nananawagan ang isa sa mga babaeng sangkot sa isang viral video kung saan naaktuhan silang inuubos ang laman ng community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.
Ayon sa report ng Frontline Pilipinas, kinilala ang babae na si Maricar Adriano na napag-alamang pitong buwang buntis pala.
Nakiusap ito kay Idol Raffy Tulfo na sana ay pagharapin sila ng organizer ng nasabing community pantry na si Carla Quiogue. Hindi raw kasi sila pinapansin nito kahit na anong pakiusap ang gawin nila.
"Nananawagan na rin ho ako kay Raffy Tulfo, baka po pwede niya kaming pag-usapin ni Carla ng personal. Kaming dalawa, para magkaharapan kaming dalawa," anito. "Ganun din siya samin, mag-public apologize rin siya samin. Sobra na kaming naaapektuhan lalo na ako."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Labis na stress na raw ang nararamdaman nila matapos mag-viral ang CCTV footage na in-upload sa social media ni Quiogue.
Hiyang-hiya na rin daw sila dahil kahit saan sila pumunta ay nakakarinig sila ng masasakit na salita mula sa taong-bayan.
Dahil dito, dumulog na sila sa Barangay Kapitolyo para ireklamo ang isang tricycle driver na kumuha ng isang video na nag-viral din sa socmed.
"Sasampahan din po namin siya ng kaso kasi grabe nga ho 'yung nangyari saming damage diba?" sabi ni Adriano.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Una nang naiulat ng KAMI, nang mag-viral sa social media ang CCTV footage kung saan makikita ang grupo ng anim na babaeng nanlimas ng laman ng community pantry.
Sa isa pang report, dumepensa ang mga ito at sinabing ipinamahagi naman nila ang kanilang mga nakuha. Handa rin daw silang isoli ang mga ito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh