YouTuber na naligo sa fountain sa may parke na malapit pa sa simbahan, arestado
- Inaresto ng pulisya ang vlogger na si Daily Fawk sa Cagayan De Oro City matapos na ito'y agaw-eksena na naligo sa harap ng isang parke
- Ang naturang lugar ay malapit na rin umano sa St Augustine Metropolitan Cathedral at Cagayan de Oro City Hall
- Ang masaklap pa rito, delikado ang kanyang ginawa gayung musical fountain ito kung saan maari siyang makuryente kung nagkataon
- Isang gabing nanatili sa police station maging ang kanyang dalawang kasama at mahaharap sila sa reklamong alarm at scandal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naaresto ang vlogger na si Jeremy Hallazgo o mas kilala bilang si "Daily Fawk" ng Cagayan De Oro City matapos na ito'y maligo sa isang fountain sa may Gaston Park.
Nalaman ng KAMI na ang fountain ay malapit din sa St. Augustine Metropolitan Cathedral at Cagayan de Oro City Hall kaya naman masasabing mataong lugar talaga ito.
Sa kanyang YouTube video na may pamagat na "DAILY FAWK - taking bath in a public mall fountain" makikitang nagtanggal pa umano siya ng shorts sa kalsada at naiwan na lamang ang kanyang boxers at t-shirts bago ito tumalon sa fountain noong Linggo, Abril 18 ng hapon.
Mapapansing nakasuot pa rin ng face mask si Hallazgo habang naliligo na makailang beses na bumalik sa fountain.
Dahil dito, agad na inaresto ng pulisya si Hallazgo at dalawa niyang kasama na gumawa ng video kung saang nanatili sila sa police station ng isang gabi. Pinauwi na rin sila nitong Lunes, Abril 19 ng hapon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joel Nacua sa panayam sa kanya ng Rappler, sinampahan nila ng reklamong alarm at scandal sina Hallazgo dahil sa naturang video.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ito ay upang magsilbing aral sa iba ang kanilang nagawa at hindi na rin tularan pa ang mga ito.
Labis ding mapanganib ang paliligo na nagawa ni Hallazgo lalo na at musical fountain ito at maari siyang makuryente rito kung nagkataon.
Nilinaw naman ng pulisya na bagaman at nakatanggap na sila ng affidavit of desistance mula sa City Hall ng CDO, hindi nangangahulugang abswelto na talaga sina Hallazgo sa kanilang nagawa lalo na at hawak na ng prosecutor ang kaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Talagang dumarami na ang mga vlogger sa iba't ibang panig ng bansa. Subalit, ang mga agaw-eksena sa kanila bukod sa mga matatagal na pagiging mga YouTuber ay iyong pagtulong sa kapwa ang content ng mga videos.
Isa na rito ang aktres na si Ivana Alawi na labis na hinahangaan sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.
Sa loob lamang ng nasa tatlong taon sa pagba-vlog, mayroon na siyang 12.8 YouTube subscibers.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh