Ivana Alawi, nalasing sa pinakabagong vlog; mamimigay ng Php80,000

Ivana Alawi, nalasing sa pinakabagong vlog; mamimigay ng Php80,000

- Aminadong nalasing si Ivana Alawi sa kanyang vlog na "Never Have I Ever" kasama ang kanyang kapatid na si Hashim

- Sa bawat bagay na binabanggit kasi ay kailangan nilang uminom ng alak kung ito ay nagawa nila

- Nang mapansin sila ni Mama Alawi, naalala ni Ivana na namimigay siya ng pera kapag nalalasing

- Nag-umpisa sa Php20,000 hanggang sa 8 lucky winners na ang makatatanggap ng Php10,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas makulit na Ivana Alawi ang mapapanood sa kanyang pinakabagong vlog na may pamagat na "Never Have I Ever/ may nalasing" na ipinalabas ngayong Abril 11.

Nalaman ng KAMI nasa video na ito, talagang nag-inuman sina Ivana at kapatid nito na si Hashim.

Sa bawat sitwasyong mababanggit, kailangan uminom nina Ivana at Hashim kung ito ay nagawa nila.

Ivana Alawi, nalasing sa pinakabagong vlog; mamimigay ng Php80,000
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Isa sa mga dahilan kung bakit nakarami ng inom ang aktres ay nang tanungin siya kung nakapag-drunk call na siya sa kanyang ex.

Read also

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

Inamin niyang hindi lang drunk call, kundi text at maging video call.

Hindi naman siya napainom nang tanungin kung nakapag-cheat na ba siya sa mga naging karelasyon.

Siya raw ang naloloko at naranasan na rin daw niya ang "ghosting."

Ngunit nang dumating na ang kanilang ina na si Mama Alawi, bantay sarado na niya ang mga anak dahil alam na raw niya ang nangyayari lalo na kay Ivana kapag nasobrahan sa alak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Imbis na pigilan, binigyan pa niya ang mga anak ng pagkain kaya naman todo lambing sa kanya ni Ivana.

Hanggang sa napag-usapan nila na namimigay si Ivana ng pera kapag nalalasing.

Kaya naman biglang nabanggit ng aktres na magbibigay siya ng Php20,000 sa isang lucky winner.

Umapela naman si Mama Alawi at sinabing gawin na itong Php5,000 sa apat na mapipili ni Ivana.

Read also

Pauleen Luna, hindi pinalampas ang komento na umano'y nakunan siya

At dahil likas na mapagbigay ang aktres kahit na lasing, tumaas pa ito ng Php80,000 kaya naman pipili sila ng walong mananalo ng tig Php10,000.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong Marso 14, ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa mga tao sa lansangan. Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ng mga Pinoy na sa kabila ng hirap na dinaranas ay nakuha pa ring tumulong sa iba.

Read also

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Nito lamang isang linggo, nagbigay si Ivana ng update sa naging bonding day nila ng kutsinta vendor na si Tatay Joselito. Binigyan pa muli niya ito ng karagdagang tulong maging ng isang bagong motorsiklo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel