Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

- Matapos ang kanyang pananahimik ng ilang araw ay muling nagbabalik si Kris Aquino

- Gayunpaman, hindi kagaya sa mga nakaraang video na ibinahagi niya ay tila mas masaya na siya

- Ibinahagi niyang sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Bimby, mamimigay uli siya ng cash sa mapipiling mga subscribers niya

- Dinoble na nito ang dating tig-P5,000 na pinamigay at 28 na katao ang kanyang bibigyan para na rin makatulong sa mga taong nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kanyang mga matapang na salita bunsod ng mga naranasan ng kanyang anak mula sa ilang mga taong nagpakalat ng mali at malisyosong impormasyon sa internet, muling nagbabalik si Kris Aquino.

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Ilang araw ding nanahimik ang Queen of All Media kasunod ng kanyang kontrobersiyal na tell-all video. Sa kanyang pagbabalik, good vibes ang hatid ni Kris.

Read also

Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa

Imbes na manatiling galit sa mga taong gumawa ng hindi maganda sa kanyang mga anak, pinili ni Kris na pasalamatan na lamang ang mga taong sumoporta at nagtanggol sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng bunsong anak na si Bimby, mamimigay uli si Kris ng P10,000 sa bawat 28 na folowers niyang maswerteng mapipili.

Matatandaang namigay din si Kris noong kaarawan niya ngunit tig-P5,000 lamang bawat tao ang kanyang binigay. Napagpasyahan niyang doblehin iyon para naman sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pinakamamahal na anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Read also

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel