Ogie Diaz, umalma sa pinapakalat na balitang nakabuntis ang anak ni Kris Aquino

Ogie Diaz, umalma sa pinapakalat na balitang nakabuntis ang anak ni Kris Aquino

- Matapos ilabas ng isang YouTube entertainment news channel ang isang video umano tungkol sa anak ni Kris Aquino na si Joshua, naging palaisipan sa marami kung totoo ang balita

- Ayon sa inilabas na balita ng nasabing YouTube channel, nakabuntis umano si Joshua at ikakasal umano ito sa girlfriend nito

- Ayon pa sa nasabing balita, si Kris umano ang bahala sa gastos sa kasal at maging sa bahay na titirhan nila

- Hinimay ni Ogie at Mama Loi ang nasabing video at inalmahan nila ang umano'y paggawa-gawa ng mga isyu ng mga tao para lang pansinin ng mga tao ang kanilang content

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ng showbiz news reporter na si Ogie Diaz at ni Mama Loi ang inilabas na balita ng isang showbiz news channel sa YouTube tungkol sa umano'y balitang nakabuntis si Joshua Aquino.

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

Ilan sa mga pinuna ni Ogie ay ang mga detalye ng nasabing balita na wala man lang ibedensiya o basehan. Ayon kasi sa nasabing balita, ikakasal na si Josh matapos nitong mabuntis ang kanyang girlfriend.

Ogie Diaz, umalma sa pinapakalat na balitang nakabuntis ang anak ni Kris Aquino
Kris Aquino
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa wala silang pangalan na ibinahagi bilang pagkakakilanlan ng sinasabi nilang girlfriend ni Joshua, panay mga litrato nina Josh at yaya nitong si Bincai ang kanilang inilagay sa video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sadyang malambing si Joshua kay Bincai dahil matagal din itong nag-alaga sa kanya.

Bilang isang showbiz news reporter, payo ni Ogie na dapat maging mapanuri ang mga netizens sa nababasa o napapanood online at tiyaking may mga pruweba bago maniwala.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa kabila ng pananabik ng kanyang tagahanga na muli siyang mapapanood sa telebisyon, nagkaroon ng panibagong isyu sa nakatakda sana niyang talk show kasama sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Nilinaw ni Lolit Solis na hindi lamang nagkaunawaan ang kampo nila Kris Aquino at Cristy Fermin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel