12-anyos sa Pasay na naglalaro sa labas at hinabol ng mga tanod, pumanaw na
- Pumanaw na ang 12-anyos na batang hinabol umano ng mga tanod matapos na mahuling naglalaro sa labas
- Nakunan pa umano ng CCTV footage ang aktwal na habulan ng dalawang tanod at ng bata
- Nadala pa umano ito sa center na kalaunan ay isinugod na sa ospital subalit 'dead on arrival' na ito
- Hindi pa nagbibigay ng panayam ang mga magulang ng bata na nagulat sa pangyayari
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang 12-anyos na batang lalaki ang pumanaw matapos na habulin umano ng mga tanod sa Pasay City.
Nalaman ng KAMI na isa ang batang si John Dave Pepito sa mga naglalaro sa labas ng kalsada.
Itinawag kasi ng isang concerned citizen sa kanilang barangay ang paglalaro ng mga bata sa labas gayung mariin pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng mga ito.
Ayon sa Manila Bulletin, naganap ito noong Abril 14 bandang 3:40 ng hapon sa St Peter St. corner Mulawin St.
Agad na rumesponde ang mga tanod na sina Relan Maquiling at Arturo Rontos ng barangay 184 upang pauwiin na ang mga bata na nasa labas.
Sa ulat ng Philippine Star isa umanong tindero ang nakakita sa pangyayari kung saan tila nadapa ang bata at bigla na lamang umanong natumba.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nadala pa umano ng dalawang tanod ang bata sa San Pablo Health Center at kalaunan ay inilipat ito sa Protacio Hospital sa Tambo, Parañaque City. Idineklara na itong dead on arrival.
Samantala, hawak na umano ng pulisya ang CCTV footage ng insidente na makatutulong umano upang malaman ang totoong nangyari. Sa inisyal na report nakalagay na ang naturang insidente ay "death under inquiry."
Hindi pa nagpapaunlak ng pahayag ang mga magulang ng bata na tila gulat pa rin sa biglaang pagkamatay ng kanilang anak.
Narito ang kopya ng CCTV footage na ibinahagi rin ng ABS-CBN:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Masasabing ito na ang ikatlong insidente kung saan naitala ang pagkamatay ng isang curfew violator.
Matatandaang kamakailan ay sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng isang curfew violator na pinag-push up ng umabot sa 300 beses dahilan para hindi na ito halos makagalaw ng maayos hanggang sa siya ay ma-stroke at tuluyang pumanaw.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa ring insidente ng pagpanaw ng curfew violator ay hindi nalalayo sa sinapit ng bata kung saan nadapa umano ngunit nililinaw pa kung talagang pinatid siya ng isa sa mga tanod.
Sagot na umano ni Raffy Tulfo ang lie detector test ng saksi at ng mga tanod upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh