Raffy Tulfo, "na-ghosting" ng isang vlogger na nais makipag-collab sa kanya
- Ibinahagi ni Raffy Tulfo na minsan na rin siyang "na-ghost" ng isang vlogger na nais makipag-collab sa kanya
- Kaibigan pa naman daw niya ang vlogger na ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin humingi ng dispensa sa kanya o nagpaliwanag sa kung anuman ang nangyari
- Nakatanggap na lamang sila ng text mula sa assistant nito na hindi makakasipot ang vlogger sa hindi kinumpirmang dahilan
- Magsilbing aral daw ito lalong-lalo na sa mga vlogger na kahit gaano na karami ang subscribers ay manatili pa ring mapagpakumbaba
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isiniwalat ni Raffy Tulfo sa programa niyang Wanted sa Radyo na minsan na rin siyang nabiktima ng di pagsipot umano ng vlogger na nais na makipag-collab sa kanya.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na magpublic apology ng vlogger na si Jayzam Manabat ng "JaMill" sa hair and make-up production team na ipina-Tulfo sila dahil sa hindi nila sinipot ang mga ito at pinaghintay nila ng anim na oras.
Sa kwento ni Tulfo, naranasan na rin niyang "ma-ghost" ng naturang vlogger matapos na siya ay kulitin nito para mag-collaborate sa isang video.
At dahil "kaibigan" naman daw niya ito, naisingit nga niya ang sana'y collab nila ng vlogger.
Malaking preparasyon ang ginawa ng panig ni Tulfo para sa video at sasalang na lamang sana sila subalit biglang nakatanggap sila umano ng text mula sa assistant ng vlogger na hindi na ito makakarating sa hindi makumpirmang dahilan.
"At least tumawag yung tauhan, pero dun sa gustong makipag-collab, hindi pa nagso-sorry pero it's ok!"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Magsilbing aral daw sana ang pangyayaring ito lalong-lalo na sa mga vlogger na matuto pa ring magpakumbaba gaano man karami na ang kanilang subscribers at gaano pa man kalayo ang kanila nang narating.
"'Pag medyo nakakaangat na, nakakalimot na lumalaki na ang ulo lumalaki na ang tenga, just remember yung inyo pong pinanggalingan"
"Kung meron kayong pinagdaraanan and I'm sure lahat tayo... 'Wag nating isama 'yun sa propesyunal nating gawain"
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Tulfo mula sa kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.9 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng tambalang "JaMill," makailang beses din silang naisumbong sa programa ni Raffy Tulfo.
Isa na rito ay ang dalawang babae umanong naiugnay kay Jayzam Manabat na nabanggit mismo ang pangalan sa isang trending post ng kasintahang si Camille Trinidad at ang isa ay ang hair and make-up team na umano'y hindi sinipot ng JaMill para sana sa isang promotion shoot.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh