Famous celebrities, binati si Angel Locsin sa birthday nito sa gitna ng isyu

Famous celebrities, binati si Angel Locsin sa birthday nito sa gitna ng isyu

- Ilang kilalang celebrities ang bumati kay Angel Locsin sa kanyang kaarawan ngayong araw

- Sa gitna ng isyung kinakaharap ng aktres kaugnay ng pagkakagulo sa kanyang community pantry, marami pa rin ang inalala ito

- Sina Marian Rivera, Chito at Neri Miranda at Aga Muhlach ang ilan sa nagpabatid ng kanilang pagbati sa sikat na aktres

- Kinumpirma rin ni Angel ang pagkamatay ng isang matandang lalaki na nakapila sa community pantry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang kilalang celebrities ang bumati kay Angel Locsin sa kanyang kaarawan ngayong araw.

Sa gitna ng isyung kinakaharap ng aktres ngayon dahil sa pagkakagulo sa inorganisa nitong community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, marami ang nagpabatid ng kanilang pagbati para rito.

Ilan sa mga bumati kay Angel ay sina Marian Rivera, Chito at Neri Miranda at Aga Muhlach.

Read also

Community Pantry na nagsimula sa Maginhawa QC, ginagawa na rin sa bansang Timor-Leste

"Happy birthday gel," bati ni Marian Rivera kay Angel.

Famous celebrities, binati si Angel Locsin sa birthday nito sa gitna ng isyu
Photo: Angel Locsin together with her fiancé Neil Arce (@therealangellocsin)
Source: Instagram

"Happy Birthday, Angel!!!" ang kilalang bokalista ng OPM band na Parokya ni Edgar at matalik na kaibigan ng aktres na si Chito Miranda.

"Happppppy birthdaaaaay, our Angel!!!! Pahinga ka rin ha? See you soooooon!" sabi naman ng misis ni Chito na si Neri Miranda.

"Happy birthday, Dear Angel!!!" ani Mr. Aga Muhlach.

"Happiest birthday Gel @therealangellocsin I love you!" sabi naman ng batikang aktres na si Ms. Eula Valdez.

Nauna nang naibalita ng KAMI na humingi na ng sorry si Angel dahil sa nangyaring gulo sa community pantry na hindi nito inaasahan.

Hindi na rin daw nila nakontrol ang tao sa kabila ng pagtutulungan ng kanilang team, mga taga-LGU, PNP at barangay.

Sa isang Instagram post, kinumpirma ng Kapamilya actress na may isang matandang lalaki ang nasawi dahil dito. Humingi na rin ito ng paumanhin sa pamilya nito at nangakong tutulungan ang mga naulila.

Read also

Sobra na! Babaeng nanimot sa community pantry, nanawagan kay Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila," sabi ni Angel.

"Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

"I am very very sorry," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Read also

Binatilyong nagdiwang ng kaarawan, viral dahil sa mensahe niya sa ina

Sa isa pang report ng KAMI, nagpasalamat si Angel Locsin kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mabilis na pag-apruba nito ng ayuda para sa publiko.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel