Magsasaka nanalong mayor laban sa kalabang pamilya na 3 dekada nang naghahari

Magsasaka nanalong mayor laban sa kalabang pamilya na 3 dekada nang naghahari

-Tinalo ng magsasakang si Gerandy Danao ang tatlong dekadang paghahari ng isang pamilya sa kanilang bayan

-Kahit kapos sa pondo at lakas ng loob lamang ang sandata, nasungkit pa rin ni Danao ang posisyong ilang taong hawak ng mag-asawang Demaala

-Sa kanyang pagkapanalo, nais daw nitong tutukan ang mga programa para sa agrikultura at turismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinapos ng magsasaka at dating mangingisda na si Gerandy Danao ang tatlong dekadang paghahari ng iisang pamilya sa kanilang bayan sa Palawan.

Kahit kapos sa pondo, walang makinarya at tanging lakas lang ng loob ang sandata, nasungkit pa rin ni Danao ang posisyong ilang taong hinawakan ng mag-asawang Demaala.

"Kasi ang tagal ng panahon pero wala pa ring pagbabago. Alam ko sa sarili ko na kaya ko ang responsibilidad na ito lalo pa kung para rin sa bayan ko," anito sa isang panayam sa ABS-CBN News.

Ayon sa ulat, lumamang si Danao ng mahigit 1,000 boto laban sa katunggali nitong si Lucy Demaala.

Ilang taon nang nagpapalitan sa pwesto ang mag-asawang Demaala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-aalaga ng kambing si Danao at sa pamumutol ng sanga ng ipil-ipil para ipakain sa mga ito ang naging daan para makilala siya ng kanyang mga kababayan.

Ayon kay Danao, nais niyang tutukan ang mga programa para sa agrikultura at turismo at ang pagsasaayos ng mga patubig.

Para naman sa kanyang mga taga-suporta, panalo nila ang pagkapanalo ni Danao na ramdam ang kahirapan.

Amg isa sa kanila, mangiyak-ngiyak pa habang kinakapanayam dahil hindi talaga nila inaasahan ang pagkapanalo ni Danao.

"Kahit wala po siyang pera, inilaban namin siya kasi siya lang ang naging matapang para labanan sila," ayon kay Monalisa Gintullaga.

Sabi naman ng isa pang taga-suporta na si Maria Selme Soriano,

"Gusto po namin na matigil na 'yung ilang taong sila na lang ang nagpapalitan sa puwesto."

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isang Pinoy naman sa UK ang nakasungkit ng posisyon bilang mayor sa isang bayan doon.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Otso Diretso, dawit sa planong paninira kay Pangulong Duterte ayon kay Bikoy

Otso Diretso, dawit sa planong paninira kay Pangulong Duterte ayon kay Bikoy

Otso Diretso bets, itinanggi ang pagkakadawit sa bagong rebelasyon ni Bikoy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel