Pamilyang nakapalitan umano ng sanggol na itinampok sa KMJS, nagpa-DNA test na rin

Pamilyang nakapalitan umano ng sanggol na itinampok sa KMJS, nagpa-DNA test na rin

- Nagsalita na rin ang pamilya Mulleno kaugnay sa "baby switching" na naganap umano sa pamilya Sifiata

- Idinetalye nila kung paanong kinontak din agad sila ng ospital dahil sa umano'y may kaparehong name tag ang baby nila na nasa ospital pa

- Naawa raw ang pamilya Mulleno sa sinapit ng pamilya Sifiata kaya minabuti na rin nilang makiisa

- Lalo na nang lumabas na negatibo o hindi nga magkadugo si Aphril at ang sanggol na nasa kanila, nagpa-DNA na rin ang pamilya Mulleno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas na rin sa publiko at nagbigay ng pahayag sina Margareth at Jasper Mulleno kaugnay sa sinapit ng mag-asawang sina Aphril at Marvin Sifiata na umano'y napalitan ang sanggol sa ospital.

Nalaman ng KAMI na ang pamilya Mulleno ang sinasabing nakapalitan di umano ng sanggol ng pamilya Sifiata.

Read also

7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila

Ayon sa panig ng mga Mulleno, nang makauwi na sila sa bahay, agad na nag-text sa kanila ang ospital at humihingi ito ng larawan ng kanilang sanggol.

Pamilyang nakapalitan umano ng sanggol na itinampok sa KMJS, nagpa-DNA test na rin
Sina Aphril at marvin Sifiata (Photo Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nagatanong din umano sila kung para saan ito subalit hindi naman sila agad na nasagot ng ospital.

Dalawang araw pa ang lumipas nang puntahan na sila ng ilang hospital staff at ipinaliwanag ang baby switching na umano'y hinihinalang naganap.

"Nanghina ako nu’ng nalaman ko. Hindi para sa sarili ko. Pero para sa Sifiata Family. Naawa ako sa kanila."

Ayon pa sa pamilya Mulleno, may lukso ng dugo ang sanggol na kanilang naiuwi at kamukha raw ito ng ama kaya naman hindi sila nagduda na maaring hindi nila ito anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang malaman din nila ang resulta ng DNA test nina Aphril at sanggol na naiuwi nito, nagdesisyon na rin ang pamilya Mulleno na magpa-DNA na rin.

Read also

Nag-viral na delivery boy, ipina-Tulfo ang pulis na umano'y nag-paddle sa kanya

Negatibo kasi ang naging resulta ng DNA nina Aphril at ng baby kaya naman masasabing nagkaroon nga ng "baby switching".

Aminado din ang pamilya Mulleno na noong una, nais na lamang nilang maging pribado at huwag nang isa-publiko pa ang kanilang paglalabas ng pahayag.

Subalit dala na rin ng awa kina Aphril at Marvin at upang matuldukan na rin ang kontrobersiya, nagdesisyon silang lumantad at sumailalim na rin sa test sa parehong laboratoryo kung saan isinagawa ang DNA ng sanggol at ni Aphril.

Inaasahang sa susunod na linggo, lalabas na umano ang resulta ng DNA test nina Margareth at sanggol na nasa kanilang pangangalaga.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dalawang linggo nang sinusubaybayan ng publiko sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang "baby switching" na inireklamo ng mag-asawang sina Aphril at Marvin Sifiata.

Lalo na nang lumabas na negatibo ang DNA test nina Aphril at ng naiuwi nilang sanggol, walang ibang hangad ang publiko kundi ang mahanap na nito ang tunay niyang anak at maibalik naman ang sanggol na nasa pangangalaga nila sa tunay nitong mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica