7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila

7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila

- Nag-viral ang video ng pitong magkakapatid na kinantahan ang inang nakaburol sa Bulacan

- Mababakas sa mukha ng mga bata ang labis na pangungulila lalo na at sa mura nilang edad ay nawalan na sila ng ina

- "Iingatan ka" ang kinanta ng mga bata dahil iyon daw ang kinakanta sa kanila ng kanilang ina noong ito'y nabubuhay pa

- Emosyonal naman ang nakatatanda sa pito at nangako sa ina na aalagaan niya ang kanyang mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumurog sa puso ng marami ang video na ibinahagi ng netizen na si Rowena Germina tungkol sa pitong mga batang anak ng kanyang pamangking yumao na si Imelda Casaul.

Nalaman ng KAMI na maagang naulila sa ina ang pitong bata.

Dala ng matinding pagka-miss sa ina, kinantahan nila ito habang nakaburol.

Read also

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila
Photo from Rowena Germina
Source: Facebook

Kwento ni Rowena, kinantahan ng mga bata ang kanilang ina sa pag-aakala na baka ito'y magising.

"Iingatan Ka" ni Carol Banawa ang kinanta ng mga bata dahil iyon daw ang paborito ng kanilang ina.

Noong ito'y nabubuhay pa, iyon din ang kinakanta niya bilang pampatulog sa mga anak.

Kwento ng nakatatandang anak ni Imelda na si Ginbert, bestfriend niyang maituturing ang ina. Mahal na mahal niya ang ina at ipinangako rito na aalagaan niya ang kanyang mga nakababatang kapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matapos na mag-viral ang video, dinagsa naman ng tulong ang mga naulila ni Imelda. Mula sa mga pagkain, damit, at iba pang mga pangangailangan ng mga bata ay naibigay ng mga taong nagmalasakit na sila'y tulungan.

Mula sa PHP100 hanggang PHP10,000 ang halagang naipaabot sa naiwang pamilya ni Imelda na labis namang ipinagpapasalamat ng tiya nito na si Rowena.

Read also

Iba to! Kakaibang tema ng prenup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na naibahagi rin ng Kapuso mo, Jessica Soho at ng Mel Discovery:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa masasabing pinakamasakit na pangyayari sa buhay ay ang mawalan ng magulang partikular na ang isang ina sa murang edad.

Tulad ng pitong supling na ito ni Imelda, isang bata rin na nagngangalang "Macky" ang nag-viral noong nakaraang taon dahil matapos na maulila sa ina ay agad na sumunod na nasawi ang kanyang ama.

Halos ganito rin ang sinapit ng netizen na si Justin David Lagman na matapos na mamatayan ng ina ay namatayan din ng ama sa loob ng isang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica