Iba to! Kakaibang tema ng prenup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

Iba to! Kakaibang tema ng prenup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

- Patok na patok sa netizens ang kakaibang tema ng prenuptial shoot ng isang magkasintahan sa Camarines Norte

- Ang naisip kasi nilang gimik para sa kanilang photoshoot ay hindi pangkaraniwan at talaga namang nakakaaliw para sa karamihan

- Kaya naman hindi kataka-taka na mabilis nag-viral ang pre-wedding pictures nila sa social media

- Ang ilan pa ngang mga netizens ay hindi napigilang mag-react sa nakakatuwang mga larawan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang kwentong Pikot at Pagmamahalan ni Kim at Ivan", ganito ang caption ng nakakaaliw na Facebook post ng groom na si Ivan Paul Ponayo patungkol sa kanilang prenuptial shoot ng nobyang si Kim.

Kakaiba at talaga namang kinaaliwan ng mga netizens ang tema ng kanilang photoshoot.

Kaya naman hindi kataka-taka na mabilis itong nag-viral sa social media.

7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila
Iba to! Kakaibang na tema ng pre-nup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

Photo: Ivan Paul Ponayo
Source: Facebook

"BABALA! Ito ay ang pagsasalarawan ng tahasang paglabag SA karapatang pantao ng mga kalalakihan. Halina't sabay sabay nating tunghayan ang, kwentong Nawa ay magbigay daan upang mabuksan ang mata ng lipunan laban sa pananamantala sa kahinaan ng kalalakihan," ayon sa post.

Maging ang bawat larawan ay naghatid ng "katatawanan" sa marami.

Ang ilan pa ngang mga netizens ay hindi napigilang mag-react sa nakakatuwang mga larawan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Congratulation sa inyong dalawa, nakakatuwa ang kwento, hindi kapanipaniwala, hahaha, may our Lord bless yOu Ivan and Kim".
"Ganyan din palagi sinasabi ng asawa ko napikot sya. Pero natanggap n daw nya. Kaya nga 27yrs na kmi ngayon."
"Binasa ko tlaga kada caption ng pic nindo hahaha. Pwede ka na isabak sa masining na pagkukuwento."
"I so love this prenup photoshoot idea, kapatid na inhenyero!"
Netizens, umalma sa isang komento ng Chinese drama tungkol sa mga Pinoy
"Grabeh.. inisa isa ko tlg ang bawat pic and kwento... u r indeed so funny banjo...well deserved to have a happy family.. God bless ur family and Congratulations."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 50,000 ang reactions nito at 64,000 naman ang shares sa Facebook!

Congrats Ivan and Kim!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Talagang ang mga Pinoy, hahanap at hahanap ng paraan upang magbigay kasiyahan kahit sa kalagitnaan pa ng isang pandemya.

Ang istorya at gimik nina Ivan at Kim para sa kanilang prenup shoot ay magpapatunay rin kung gaano kamalikhain ang ating lahi.

Sa isa pang report ng KAMI, isang couple naman ang tila naging bida sa "Crash Landing On You" para sa kanilang prenup shoot.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel