Prenup photos ala 'Crash Landing On You', kinagiliwan ng netizens

Prenup photos ala 'Crash Landing On You', kinagiliwan ng netizens

- Viral ang mga prenup photos nina Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran at fiance' nitong si Police Lieutenant Jay Abdurajak

- Inspired kasi ang konsepto ng kanilang photo shoot sa patok na patok na Korean drama sa bansa, ang 'Crash Landing On You'

- Halos parehong-pareho ang mga damit, lokasyon na hango sa kinababaliwang Koreanovela ng mga Pinoy

- Nito lamang Setyembre 13, ibinahagi naman nila ang magarbong traditional engagement nila na mapapansing sumusunod pa rin sa mga safety protocols

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Prenup photos ala 'Crash Landing On You', kinagiliwan ng netizens

Sultan Kudarat First District Rep. Rihan Mangudadatu Sakaluran and Police Lt. Al-shadat Hassan Abdurajak (Photo from James Montaño Photography Facebook)
Source: Facebook

Pinagkaguluhan lalo ng mga nakapanood ng 'Crash Landing on You' ang prenup photoshoot nina Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran at fiance' nitong si Police Lieutenant Jay Abdurajak.

Sa kanya mismong Facebook, ibinahagi ng Congresswoman ang nakamamanghang mga larawan na kuha ni James Montaño.

Hango ito sa K-drama na kinabaliwan ng mga Pinoy kamakailan lang kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizens nang makita ang kanilang mga larawan.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Halos kuhang-kuha ng dalawa ang mga eksena nina Hyun Bin o "Captain Ri" sa drama at Son Ye Jin o si "Se-Ri."

Ang ilan pa sa mga ito ay aakalain talagang poster ng naturang K-drama dahil pati ang mga damit ng original cast ay gayang-gaya nila.

Kitang-kita ang husay ni Montaño at Outloud Studios kung saan, nakakuha rin sila ng magagandang lokasyon sa Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at General Santos City.

Bagaman at inabot umano sila ng tatlong araw para sa prenup session na ito, sulit naman sa napakagandang kinalabasan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, nag-viral din ang mga larawan ng dalawa na kuha naman sa kanilang traditional engagement o tinatawag nilang 'Salangguni'.

Bagaman ito ay isang munting pagtitipon, mapapansing nakasuot sila ng mga mask bilang bahagi pa rin ng pagsunod sa safety protocols kontra COVID-19.

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

Dahil dito, umaasa ang mga netizens na magiging enggrande pa ang kanilang pag-iisang dibdib dahil ang mga prenup at engagement photos ay tila patikim lamang ng maaring maganap sa kanilang kasalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ng pandemya, ilang mga magkasintahan ay nagawa pa ring magpakasal sa simpleng paraan at kasama lamang ang mga taong malalapit sa kanilang puso.

Ang ilan, imbis na maghanda pa, naisipan na lamang na mag-donate para sa mga medical frontliners.

Mayroon naman na sa sobrang pag-iingat at dahil isinasaalang-alang din nila ang kalusugan ng kanilang bisita, minabuting sa video call o sa Zoom app na lang ibahagi ang kanilang kasalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel