Netizens, umalma sa isang komento ng Chinese drama tungkol sa mga Pinoy
- Umalma ang mga netizens nang makita ang komento ng isang Chinese Drama tungkol sa mga Pilipino
- Ito ay ang nakita sa unang episode ng “Make My Heart Smile” kung saan nilarawan ng isang karakter ang kanyang kasama na parang isang "Filipino maid"
- Hindi natuwa ang mga nakakita nito at sana'y hindi na lamang daw pa ginamit sa programa
- Sa kabila ng komentong ito, pinaalala pa rin ng iba na nararapat lamang na bigyang respeto ang mga kababayan nagsasakripisyo sa ibang bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Usap-usapan ngayon sa Twitter ang “Make My Heart Smile” matapos na mabanggit ang mga Pilipino sa isang komento ng karakter sa naturang Chinese Drama.
Nalaman ng KAMI na maraming mga Pinoy ang umalma nang mapansin ang naturang komento kung saan inihalintulad sa isang "Filipino maid" ang babaeng karakter ng kanyang kasama.
Ayon sa mga netizens na nakapanood ng eksenang ito, tila hindi umano maganda ang pakahulugan ng nasabing komento na sana'y hindi na lamang ginamit sa palabas.
Mapapansin kasing ginamit ang komento bilang pang-iinsulto umano sa karakter ng babae sa nasabing drama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Saddening that they’ve stereotyped Filipinos as maids. While it’s a reality, that line from a drama just made it sound even more degrading,”
"Ang dami namang pwede na maipuna, talagang mga Pilipino pa ang ginamit."
"My mom is an overseas Filipino worker, domestic helper, at sa palagay ko hindi dapat gamitin na pang-insulto sa iba ang mga tulad niya."
"Ofw’s are seen highly and should be given respect since they make a lot of sacrifices and put in hard work rich people can’t even imagine"
"Hindi deserve ng mga OFW ito, sana di na lang ginamit sa drama nila"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa ang mga OFW sa grupo ng mga Pilipino na binibigyang respeto at pagmamahal ng ating mga kababayan dahil sa hirap at sakripisyo nila sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Nakatutuwang isipin na bagaman at namamaliit sa paningin ng iba, pinatutunayan naman nilang sila ay may naipupundar at may nararating dala ng kanilang hindi matawarang determinasyon na mailagay sa ayos ang kanilang buhay.
Marami nang mga OFW ang nakapagpundar ng mga bahay, lupa at sariling negosyo at napirmi na sa bansa bilang resulta ng kanilang pagsusumikap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh