Guro na dalawang oras na nagkaklase, 'di namalayang naka-mute ang kanyang mic

Guro na dalawang oras na nagkaklase, 'di namalayang naka-mute ang kanyang mic

- Viral ngayong ang video ng isang propesor sa Singapore kung saan naka-mute pala ang mic nito sa loob ng dalawang oras na pagkaklase

- Laking gulat ng propesor nang malamang mula 6:08 hanggang 8:00 ay naka-mute pala ito

- Wala tuloy narinig mula sa kanya sa loob ng dalawang oras ang kanyang mga estudyante

- Labis na nanlumo ang guro at sinabing uulitin na lamang niya ang klase sa susunod na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ngayon ang klase ng propesor ng National University of Singapore na si Dong Wang dahil sa video nito kung saan dalawang oras siyang nagkaklase na naka-off ang mic.

Nalaman ng KAMI na nasa online class si Wang at ang kanyang mga college studentsat hindi raw nito namalayang naka-mute ang mic niya kaya walang naririnig mula sa kanya ang kanyang mga estudyante.

Read also

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Ayon pa sa isa sa kanyang mga mag-aaral, mula 6:08 hanggang 8:00 naka-freeeze lamang umano ang screen ng propesor.

Guro na dalawang oras na nagkaklase, 'di namalayang naka-mute ang kanyang mic
Photo from Pixabay
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang malaman ito ng guro, halos hindi ito makahinga sa labis na panghihinayang.

Dalawang oras din siyang dumadaldal subalit wala palang nariirnig sa kanya ang mga nasa online class niya.

Makalipas ang ilang segundo, napagdesisyunan na lamang ni Wang na ulitin ang aralin sa mga susunod na araw dahil sa halos walang nangyari sa klase niya nang araw na iyon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Singapore Incidents:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isa namang abogado naka-cat filter ang bumulabog sa kanilang virtual hearing. Ang judge na naroon din sa kanilang online hearing ang sumita sa abogado na tila nataranta at hindi malaman kung paano ito matatanggal.

Read also

Pinoy na nilaslasan ng mukha, di tinulungan ng mga kapwa pasahero ng NY subway train

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagiging katatawanan ang isang online meeting dahil sa mga nakakatutuwang filter.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Maaalalang isang Pakistan minister ang aksidenteng nagkaroon ng cat filter habang nakalive stream.

Hindi ito nalalayo sa nangyari sa Canadian police na naka-livestream din at mayroong cat filter habang tinatalakay ang mga seryosong usapin sa bansa.

Sa panahon ngayon kung saan madalas na ang mga online meeting at livestream, magsilbing paalala ang mga pangyayaring ito na mag-ingat at maging handa bago humarap sa mga pagpupulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica