Batang naulila sa ina, nawalan na rin ng ama makalipas ang walong buwan

Batang naulila sa ina, nawalan na rin ng ama makalipas ang walong buwan

- Maraming netizens ang nadurog ang puso sa batang nawalan na rin ng ama matapos na maulila sa ina

- Parehong may iniindang karamdaman ang mga magulang ng bata na parehong pumanaw ngayong taon

- Nasa pangangalaga na ng mga kamag-anak ang bata ngunit nangangailangan ng tulong pinansyal

- Ilang netizens na ang nagmalasakit at nagmagandang loob upang matulungan ang kaawa-awang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang naulila sa ina, nawalan na rin ng ama makalipas ang walong buwan
Baby Macky (Photo from Hyanizha)
Source: Facebook

Viral ang larawan ng batang si "Macky" dahil matapos na mamatayan siya ng ina noong Enero ng kasalukuyang taon, naulila na rin siya sa ama ngayon lamang Setyembre.

Nalaman ng KAMI na parehong may iniindang karamdaman ang mga magulang ni Macky bago mamayapa.

Ayon sa post ng netizen na si Hyanizha, kidney failure ang ikinamatay ng mga magulang ni Baby Macky.

"Unang kinuha ni God ang kanyang ina na si Mailyn Sabandea (January 2020) at ngayong buwan naman (September 2020) ay ang kanyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval," pahayag ni Hyanizha.

Read also

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng mga kamag-anak si Baby Macky subalit nangangailangan ito ng tulong pinansyal.

Marami na rin ang nagmalasakit na magpadala ng tulong sa bata lalo na at sadyang nakakadurog ng puso ang kanyang sinapit.

Sa murang edad kung saan mas nangangailangan siya ng kalinga at pagmamahal ng mga magulang, saka naman nawala agad ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"God bless you baby boy. I hope the relatives will be able to give the boy the love and care he deserves despite the unfortunate events. Kawawa po kasi. Nakakadurog sa puso. Papa God. Please, I pray. Sana malaki siyang masayahin, mabuting bata at may mga kamag anak na mapag-aruga. sana safe siya lagi"
"Nadudurog ang puso ko Lord gabayan mo po si baby kaw na po bahala sa kanya Lord God"

Read also

25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon

"Sana sa umaaruga sa bata, ituring niyo sana na anak nyo. Wag niyo sana pagmalupitan kasi di naman niya kasalanan mawala ang mga mgulang niya. Be strong baby boy God is always with you"
"Tama po sila sa kawawang bata maaga nangulila sa kaniyang sariling lahi sana po kung sino man ang nag-aalaga sa kanya mamahaling po niyo na tunay na anak po kasi kayo nalang ang pag-asa sa bata na yan God bless you baby boy"
"Ang aga-aga napaiyak ako dito, ang bata pa niya para mawalan ng magulang. Be strong baby nandiyan naman si Papa God he always there for you di ka niya papabayaan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahirap mawalan ng magulang lalo na kung maaga itong namaalam tulad nang nararanasan ngayon ni Baby Macky. Ngunit ang iba, bagaman at mayroon pang mga magulang ay nakararamdam ng sakit at paghihirap sa piling ng mga ito.

Read also

Magkapatid, magkasunod na inulila ng tatay at nanay nila ngayong taon

Tulad ng batang mayroong dalawang trabaho dahil sa baldado ang ama habang may karamdaman din ang ina. Gayunpaman, kinakaya niya ito dala ng pagmamahal sa kanyang ina at ama.

Isang bata naman na sa kabila ng di magagandang nasasaksihan sa mga magulang ay nananatiling matatag at nagagawa pa ring mapagbuti ang kanyang pag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica