Liza Soberano, di raw apektado sa mga pahayag ni Jam Magno ukol sa kanya

Liza Soberano, di raw apektado sa mga pahayag ni Jam Magno ukol sa kanya

- Hindi raw apektado si Liza Soberano sa mga umano'y patutsada sa kanya ng social media influencer na si Jam Magno

- Sa isang Tweet ng kanyang fan, inihayag nito ang kanyang saloobin tungkol sa TikTok video ni Jam patungkol sa kanya

- Hindi raw siya kilala ng naturang influencer at hindi raw nito alam ang kwento ng kanyang buhay

- Mabilis kasing nag-viral ang komento ni Liza patungkol umano sa kung paano dinadala ng pamahalaan ang suliranin ng bansa kaugnay sa krisis na dulot ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"I'm not affected by her" ang bahagi ng komento ni Liza Soberano sa isang tweet ng kanyang fan na nakuha siyang ipagtanggol sa kabila ng umano'y patutsada sa kanya ng social influencer na si Jam Magno.

Nalaman ng KAMI na si @realizquendall ng Twitter ang fan na pinakalma ni Liza matapos siya nitong ipagtanggol.

Read also

Pangulong Duterte, nilinaw na wala pa ang mga nabiling bakuna ng gobyerno

"Some people need to stop making Liza feel bad for speaking up just because 'she doesn't even know what it feels like to be poor' e hello, she's the voice of the voiceless and less fortunate people. People na walang time, walang platform and audience to ask for better governance"
Liza Soberano, di raw apektado sa mga pahayag ni Jam Magna ukol sa kanya
Liza Soberano (Photo from @lizasoberano)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Agad namang nagkomento ang aktres at sinabing hindi siya umano apektado sa naging pahayag sa kanya ng social media influencer.

"She doesn't know me, definitely doesn't know my story. I'm not affected by her. Don't be upset"

Ikinatuwa naman ito ng kanyang fan na aminadong kinilig sa pahayag ng kanyang idolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lunes, March 22 nang tahasang naglabas ng saloobin si Liza Soberano kaugnay sa kung paano dinadala ng pamahalaan ang suliranin ng bansa bunsod ng pandemya.

Read also

Mark Anthony Fernandez, "eligible" na mabakunahan agad ayon kay Mayor Olivarez

Mabilis na nag-viral ang kanyang tweet na mabilis ding sinagot ni Jam Magno na kilala rin bilang supporter ng administrasyon.

"Kahit 'yung mismong apektado, walang pake sa pinaglalaban mo. Nakakatawa na nakakaawa ang maging maganda pero tanga," ang bahagi ng naging pahayag sa kanya ni Jam.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Na-discover si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Minsan nang gumawa ng ingay si Liza noong nakaraang taon matapos nitong hayagang ireklamo ang kanyang internet provider.

Isang netizen naman na nagpakilalang empleyado ng Converge ICT Solutions ang sumagot sa reklamo ni Liza na hindi naman pinalampas ng aktres. Humingi naman ng dispensa ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng isang public apology.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel