Liza Soberano, inireklamo ang internet speed ng Converge ICT Solutions Inc.

Liza Soberano, inireklamo ang internet speed ng Converge ICT Solutions Inc.

- Inireklamo ni Liza Soberano ang mabagal na internet speed ng Converge ICT Solutions Inc.

- Inihayag din niya ang pagkadismaya sa customer service nito dahil wala umanong sumasagot kapag tinatawagan sila

- Agad namang tumugon ang internet provider at sinagot ang tweet ng aktres

- Dahil dito, marami ang umalma sa mabilis na tugon nito sa aktres gayong hindi umano ito kaagad na sumasagot sa kanilang mga mensahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinawag ni Liza Soberano na unprofessional ang internet service provider na Converge ICT Solutions Inc. dahil sa umano'y hindi pagsagot ng kanilang customer service kapag tinatawagan.

Inireklamo din ng aktres ang mabagal na internet speed ng nasabing internet service provider.

"Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer... Can’t even answer the phone whenever we call. How unprofessional." aniya sa kanyang tweet.

Agad namang nilang sinagot ang tweet na ito ni Liza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa kanilang agarang pagsagot, marami sa mga netizens ang pumuna dahil kapag ordinaryong mamamayan lang umano ang nagrereklamo ay natatagalan ang kanilang tugon.

Ang Converge ICT Solutions Inc. ay isang internet service provider na unang nakilala dahil sa bilis ng internet nila at dahil sa kanilang unlimited data. Gayunpaman, nagsimulang dumami ang reklamo sa kanila matapos dumagsa ang nagpapakabit ng internet dahil sa lumalaking pangangailangan sa internet bunsod ng pandemic.

Bukod sa limitado ang paglabas ng tao at halos lahat ng transaksiyon ay gumagamit na lamang ng internet, marami din ang nagpapakabit dahil sa online learning na isasagawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Liza Soberano, inireklamo ang internet speed ng Converge ICT Solutions Inc.

Liza Soberano Photo from Flickr)
Source: UGC

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Matatandaang muling napabilang sa pinakamagagandang babae sa buong mundo si Liza Soberano kamakilan.

Sa kabila ng kasikatan ay minsan nang nabanggit ng aktres na ninais niyang lisanin ang showbiz.

POPULAR: Read more about Liza Soberano here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel