1 million doses ng Sinovac na binili ng gobyerno, dumating na sa Pilipinas
- Dumating na ngayong araw ang isang milyong doses ng Sinovac mula sa Chinese biopharmaceutical company na Sinovac Biotech
- Ito ang pinaka-unang supply ng vaccines na binili ng gobyerno na dumating sa bansa
- Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumalubong sa vaccines supply na lumapag ngayong hapon, Marso 29, sa Villamor Airbase
- Ayon naman kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., may darating pang 1.5 million doses ng Sinovac sa darating na Abril
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Dumating na ngayong araw ang isang milyong doses ng Sinovac mula sa Chinese biopharmaceutical company na Sinovac Biotech.
Lumapag ang mga ito pasado 4 p.m. sa Villamor Airbase sakay ng Philippine Airlines flight PR361 mula sa Beijing, China, batay sa report ng Philippine News Agency.
Ito ang pinaka-unang supply ng vaccines na binili ng gobyerno na dumating sa bansa.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumalubong sa vaccines supply, kasama sina Senator Bong Go, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Health Secretay Francisco Duque III at si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ayon Secretary Galvez, inaasahang may darating pang 1.5 million doses ng Sinovac sa darating na Abril, 2 million sa Mayo at 4.5 million sa Hunyo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Muli namang nagpaalala si Galvez sa publiko na panatilihin pa ring sumunod sa mga minimum health protocols kahit na may vaccine na.
Ayon sa report ng GMA News, inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang paggamit ng 1 million doses biniling Sinovac sa mga health workers na nasa mga lugar na may mga mataas na bilang ng COVID-19 cases.
Ito ay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lang nang linawin ni Pangulong Duterte ang tungkol sa isyu ng mga dumating na vaccines sa bansa.
Kasunod ito ng mga isyu ng ilang alklade at aktor na si Mark Anthony Fernandez na binakunahan kahit wala umano sa priority list.
Ang Commission on Human Rights, nagpatutsada pa sa mga indibidwal na ito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh