CHR, nagpatutsada sa mga nagpabakuna kahit wala sa priority list
- Kinundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapabakuna ng ilang indibidwal kahit wala ang mga ito sa priority list
- Ayon sa spokesperson ng CHR, ipinagkait umano ng mga ito ang sa mga healthcare workers ang tyansang mabakunahan agad
- Nauna nang binalaan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na maaaring hindi na mabigyan ng bakuna mula sa COVAX ang bansa kapag hindi nasunod ang priority list
- Kasunod ito ng mga ulat na ilang alkalde at isang aktor ang nabakunahan kahit na hindi sila kasali sa priority list
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kinundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapabakuna ng ilang indibidwal kahit wala ang mga ito sa priority list.
Batay sa report ng GMA News, binigyang diin ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang kakulangan ng supply ng vaccine.
Ayon kay de Guia, ipinagkait umano ng mga ito ang sa mga healthcare workers ang tyansang mabakunahan agad.
"Individuals excluded from the priority list that jump the vaccination queue selfishly deprive healthcare workers of much-need vaccines and jeopardizes succeeding, agreed upon, free vaccine allocations from the COVAX facility," anito.
Nauna nang binalaan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na maaaring hindi na mabigyan ng bakuna mula sa COVAX ang bansa kapag hindi nasunod ang priority list.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kasunod ito ng mga ulat na ilang alkalde at isang aktor ang nabakunahan kahit na hindi sila kasali sa priority list.
Sa ulat ng News5, pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde na sina Alfred Romualdez ng Tacloban, Leyte, Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato, Sulpicio Villalobos ng Sto Niño, South Cotabato, Noel Rosal ng Legazpi, Albay, Abraham Ibba of Bataraza, Palawan, Elanito Peña ng Minglanilla, Cebu, Victoriano Torres ng Alicia, Bohol, Virgilio Mendez ng San Miguel, Bohol, at Arturo Piollo II ng Lila, Bohol.
Ang aktor naman na si Mark Anthony Fernandez ay nabakunahan din sa Parañaque.
Ang Department of the Interior and Local Government ay nag-isyu na ng show-cause orders sa mga nasabing alkalde.
Pinagpapaliwanag naman ng DILG si Parañaque Mayor Edwin Olivarez ukol sa pagbakuna kay Fernandez.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, iimbestigahan nila ang mga lokal na opisyal na nasangkot sa eskandalo, na maaari raw maparusahan sa paglabag sa graft and corrupt practices law, base sa report ng Inquirer.
"We need to vaccinate our health workers first,” ani Densing. “One vaccine dose that you take away from them by cutting the line is one vaccine dose that you steal from them [that they can use] to protect themselves, their families and their patients. [Those who jump the line] should feel guilty."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isang pahayag, sinabi ni Mark Anthony Fernandez na wala siyang nilabag sa pagpapabakuna niya.
Samantala, nilinaw naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa ang mga bakunang binili ng gobyerno at parating pa lamang.
Ayon sa pangulo, puro donasyon pa lang ang dumating sa bansa na siyang ginagamit ngayon.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh