Online Seller ng mga bag, ni-raid ng NBI sa kalagitnaan ng kanyang live selling

Online Seller ng mga bag, ni-raid ng NBI sa kalagitnaan ng kanyang live selling

- Isang online seller ang na-raid ng NBI habang siya ay nasa kalagitnaan ng kanyang live selling

- Kinumpiska ang kanyang mga binibentang Louis Vuitton na bag na bukod umano sa peke ay ibinibenta sa mataas na halaga

- Marami ang naghayag ng kanilang saloobin hinggil sa pangyayari matapos ang isinagawang raid

- Agad namang nag-viral ang video ng live selling ng nasabing online shop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinag-usapan kamakailan ang pagkaka-raid ng isang online shop dahil sa pagbebenta ng mga bag na hindi authentic.

Makikita sa kumakalat na video ang pagdating ng mga otoridad at pagkumpiska ng sako-sakong Louis Vuitton bags na kanilang nadatnan sa lugar kung saan isinasagawa ang online selling.

Online Seller ng mamahaling bag, ni-raid ng NBI sa kalagitnaan ng kanyang live selling
Direk Paul's Classrom
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Social media influencer na si Jam Magno, pinagsabihan si Liza Soberano

Nagkataon na habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagbebenta ay dumating ang otoridad. Ayon sa mga komento ng mga nagpakilalang mga costumer ng nasabing online seller, bukod sa hindi original ang ibinibenta, mataas din umano ang patong nito sa mga tinitinda niyang bag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makikita sa video ang napakaraming bag na nakalagay sa estante. Agad na nag-viral ang video na kuha sa live selling ng Direk Paul’s Classroom. Base sa kanyang mga naunang live selling videos, nagkakahalaga ng 12,000 hanggang 80,000 ang mga bag na binibenta nito kahit hindi naman umano orihinal.

Matatandaang nauna na ring ni-raid ang isang tindahan ng face mask na gumagamit ng disenyo ng Louis Vuitton. Nag-raid ang mga otoridad sa ilang tindahan sa Divisoria na nagbebenta ng mga facemask na LV ang gamit na design sa print nito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

Dahil sa mga pinapatupad na lockdown, marami ang pumasok sa pagbebenta online. Naging patok ang online selling at pagbebenta gamit ang social media platfrms kagaya ng Facebook at Instagram.

Sa katunayan, maging ang ilang mga artista at personalidad ay pinasok na rin ang online selling. Ilan lamang sina Lovely Abellana, Bugoy Cariño, Steve Dailisan at marami pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate