Ever Bilena, naglabas na ng pahayag ukol sa alegasyon ng FDA
- Agad na naglabas ng pahayag ang Ever Bilena Cosmetics tungkol sa babala ng FDA sa isa sa kanilang mga produkto
- Ito ay ang Lip & Cheek stain Night Berry na kinakitaan umano ng contaminants ng FDA na may masamang epekto sa gagamit
- Ayon sa Ever Bilena, dumaan naman umano sa quality control ang kanilang mga produkto bago ito isapubliko para ibenta
- Bilang pagtugon, magsasagawa rin umano sila ng pagsusuri sa mga natitirang retention samples sa kanilang head office
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na naglabas ng pahayag ang Ever Bilena Cosmetics kaugnay sa babala ng Food and Drug administration sa kanilang produkto na Lip & Cheek stain Night Berry.
Nalaman ng KAMI na ang batch 19A03QW ng nasabing cosmetic product ay sinasabing may microbial contaminants na mayroong masamang epekto umano sa gagamit.
Base sa ibinahaging Tweet ng Ever Bilena na ibinagi rin ng CNN, sinabing dumaan naman umano sa quality control ang kanilang mga produkto bago ito isapubliko para distribution sa mga stores at market.
Nagsasagawa rin umano sila ng microbial testing bilang pagsunod sa panukala umano ng FDA.
Ang nakababahala pa sa pahayag ng FDA, hindi lamang isa ang mga 'di magandang epekto ng partikular na produkto.
"The use of adulterated cosmetic products may result to adverse reactions, including but not limited to skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, organ failure," ayon sa FDA.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, siniguro naman ng Ever Bilena na sasailalim muli sa pagsusuri ang natitirang retention samples sa kanilang head office para i-validate ang alegasyon ng FDA.
"Our Product Development team will check retention samples in our head office to validate FDA's claims," ayon sa pahayag ng naturang local cosmetic company.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Food ang Drug Administration ng Pilipinas na dating Bureau of Food and Drug ay isang regulatory agency sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health.
Ang ahensyang itong responsable sa licensing, monitoring, at regulation ng mga cosmetics, drug, foods, household hazardous products, medical devices at electromagnetic radiation emitting devices, pesticides, tobacco at related products, at maging mga vaccines para sa kaligtasan at kalidad ng mga ito sa bansa.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang isang manufacturer ng processed meat products ang na-ban sa bansa matapos na kakitaan ito ng FDA ng posibilidad na pagmulan ng pagkalat ng Swine fever.
Inalmahan naman ito ng manufacturer at sinabing hindi naging makatwiran ang paglalabas ng ahensya ng naturang pahayag.
Isa na sa mga na-ban noon ay ang paborito ng mga Pinoy na Ma-Ling kasama ng ilan pang mga canned goods na naipagbawal sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh