Ever Bilena Lip & Cheek stain Night Berry, may nakasasamang epekto ayon sa FDA

Ever Bilena Lip & Cheek stain Night Berry, may nakasasamang epekto ayon sa FDA

- Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration tungkol sa Ever Bilena Lip & Cheek stain Night Berry

- Kinakitaan umano nila ito ng contaminants na maaring makasama sa mga gumagamit o gagamit pa lamang nito

- Binalaan din ng FDA ang mga establishments na itigil na muna ang pagbebenta ng partikular na produkto ng Ever Bilena

- Nagbigay na rin ng paglilinaw ang Ever Bilena ukol sa alegasyon ng FDA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong Marso 16, naglabas ng pahayag ang Food and Drug Administration ukol sa umano'y contaminants na nakita sa produktong Lip & Cheek stain Night Berry ng Ever Bilena.

Sa kanilang Facebook page, ipinaliwanag ng FDA na ang batch number 19A03QW na partikular na produkto ng Ever Bilena ay kinakitaan ng microbial contaminants higit sa 1000 cfu/g na limit ng FDA.

Read also

Ever Bilena, naglabas na ng pahayag ukol sa alegasyon ng FDA

Dagdag pa sa pahayag, maaring magkaroon ng iba't ibang nakasasamang epekto ang nasabing make-up product.

Ever Bilena Lip & Cheek stain Night Berry, may nakasasamang epekto ayon sa FDA
Photo from Ever Bilena
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"The use of adulterated cosmetic products may cause skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, and organ failure" ayon sa FDA.

Nagbabala rin sila sa mga establishments na itigil na muna ang pagbebenta ng naturang Lip & Cheek stain.

Samantala, agad namang nilinaw ng Ever Bilena na dumaraan muna sa prosesong microbial testing bilang pagsunod sa FDA.

"Our Product Development & FDA compliance team are also in coordination with FDA for our Corrective Actions/Preventive Actions," pahayag ng Ever Bilena.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Food ang Drug Administration ng Pilipinas na dating Bureau of Food and Drug ay isang regulatory agency sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health.

Read also

Anne Curtis, ibinahagi ang litrato ng magpinsang Dahlia at Thylane

Ang ahensyang itong responsable sa licensing, monitoring, at regulation ng mga cosmetics, drug, foods, household hazardous products, medical devices at electromagnetic radiation emitting devices, pesticides, tobacco at related products, at maging mga vaccines para sa kaligtasan at kalidad ng mga ito sa bansa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isang manufacturer ng processed meat products ang na-ban sa bansa matapos na kakitaan ito ng FDA ng posibilidad na pagmulan ng pagkalat ng Swine fever.

Inalmahan naman ito ng manufacturer at sinabing hindi naging makatwiran ang paglalabas ng ahensya ng naturang pahayag.

Isa na sa mga na-ban noon ay ang paborito ng mga Pinoy na Ma-Ling kasama ng ilan pang mga canned goods na naipagbawal sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica