Anak ni Claire dela Fuente na si Gigo De Guzman, idinetalye ang pagkakaroon nila ng COVID-19
- Nagbigay na ng pahayag ang anak ni Claire Dela Fuente na si Gigo De Guzman tungkol sa pagkamatay ng ina
- Pareho umano silang tinamaan ng COVID-19 kung saan mild ang sintomas ng singer habang ang anak nito ay asymptomatic
- Cardiac arrest ang ikinamatay ng OPM legend na pinaniniwalaan nilang dala ng matinding stress
- Ikinuwento rin ni Gigo na inatake sa puso at pumanaw ang ina habang natutulog
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaunlak ng panayam ang anak ng pumanaw ng OPM singer na si Claire Dela Fuente ukol sa pagkamatay ng ina.
Nalaman ng KAMI na tinamaan pala ng COVID-19 si Dela Fuente gayundin ang kanyang anak na si Gigo De Guzman.
Sa panayam ni Emil Sumangil ng GMA News kay De Guzman, idinetalye nito ang naging laban nilang mag-ina sa COVID-19.
Nakumpirma nilang pareho silang nagkaroon ng virus sa pamamagitan ng isinagawa sa kanilang test noong Biyernes, Marso 26.
Asymptomatic si Gigo habang ang ina naman niyang si Claire ay kinakitaan ng sintomas.
"Ako po ok lang po ako asymptomatic po ako. 'Yung nanay ko po, may sipon, ubo, at konting sinat."
Dahil dito, nalagak pa umano sa ospital si Dela Fuente ngunit hindi talaga ito naka-confine.
"Actually, she wasn't confined completely. She was actually staying in a tent outside Las Piñas Doctors Hospital waiting to be admitted"
Nailipat pa umano ito sa ER ng Pope John Paul II hospital sa Las Piñas kung saan daw ito binawian ng buhay.
Ayon pa kay Gigo, hindi nila malaman kung kanino nila nakuha ang virus. Marahil isa sa kanila na lumalabas para bumili ng mga essential goods nila.
Kwento pa nito, maayos pa niyang nakausap ang ina kahapon, Marso 29 kung saan nagkaroon pa sila ng kaunting 'di pagkakaintindihan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ngunit kaninang bandang alas siyete ng umaga, idineklara nang patay si Dela Fuente na sinabing inatake sa puso habang natutulog.
"Everything seemed fine and she seemed OK, until last night, when her anxiety got the best of her. We were told that her heart gave in this morning and they tried to revive her but there was nothing they could do"
Nag-iwan naman ng mensahe si Gigo sa mga fans ng kanyang ina at siniguro rin niyang kakayanin nilang magkapatid ang mga pagsubok na kinahaharap ngayon ng kanilang pamilya.
"Sa mga fans po ng nanay ko sa mga sumuporta sa kanya, sa mga taong natulungan niya, thank you po for everything you've done for my mom. For giving her such a fulfilling life and know that we will be strong. Me and my brother we're raised to be strong by my mom and my dad so we will be okay"
Narito ang naging pahayag din ni Gigo sa ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Claire Dela Fuente ay isa sa mga sikat na OPM singer sa bansa na gumawa ng pangalan sa larangan ng musika noon dekada 70.
Tinagurian siyang "Asia's sweetest voice" at siya rin ang nagpasikat ng mga awiting "Minsan, Minsan", "Nakaw na Pag-ibig" at "Sayang".
Isa rin siya sa tinaguriang "Jukebox queens" kasama si Eva Eugenio, Imelda Papin at Didith Reyes.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Marami rin ang nagsasabing siya ang "Karen Carpenter" ng Pilipinas.
Kamakailan, nasangkot sa kontrobersya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh