66-anyos na ginamot sa loob ng kanyang kotse, nagpasalamat pa rin sa doktor

66-anyos na ginamot sa loob ng kanyang kotse, nagpasalamat pa rin sa doktor

- Ibinahagi ng isang doktor sa Dasmariñas, Cavite ang ginawa nilang pag-apula sa isang pasyenteng hirap nang huminga

- Kahit nasa kotse lamang ito ay ginawan nila ng paraan na malapatan ito ng medikal na atensyon

- Tulad ng hinaing ng Metro Manila, punuuan na rin ang ospital sa Cavite kaya naman naisipan nila itong gawin

- Naantig din ang puso ng doktora dahil kahit wala sa loob ng ospital, nagpasalamat pa rin ang pasyente sa kanila dahil sa kanilang tulong na nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng doctor na si Jamie Ysabel Amposta kung saan ipinakita niya ang naging sitwasyon ng kanyang pasyente na wala na umanong mapaglagakan sa loob ng ospital sa Dasmariñas, Cavite.

Nalaman ng KAMI na tulad kasi ng mga pagamutan sa Kamaynilaan ay puno na rin ang mga ospital sa Cavite kaya kahit nasa ospital ay binigyan nila ng medikal na atensyon ang pasyenteng hirap na sa paghinga.

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

66-anyos na ginamot sa loob ng kanyang kotse, nagpasalamat pa rin sa doktor
Photo from Jamie Ysabel Amposta
Source: Facebook

Ang ginawa ng doktora, naglabas sila ng kanyang mga kasama ng oxygen tank at gumawa ng pansamantalang temporary IV fluid stand gamit ang ilang tube at medical tape para lamang umayos ang lagay ng kanilang 66-anyos na pasyente.

"I never thought something like this can happen in my lifetime. I know this is not ideal at all but this is the best we can do for our ailing patients."

Nabanggit pa ng doktora sa panayam sa kanya ng CNN Philippines na maging ang mga tents na ginawa na-set up ng ospital ay puno na rin kaya naman kahit na sasakyan at sinikap nilang bigyang pansin ang pasyente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang masaklap nga lang dito, kinakailangan pa ring bayaran ng pasyente ang hourly rate ng emergency room.

Kaya naman laking pasalamat din daw ni Dr. Amposta sa mga pasyenteng nakauunawa rin ng kalagayan nilang mga medical frontliners.

Read also

Nurse at inang may virus, ginawang COVID-19 ward ang bahay dahil puno na ang mga ospital

Nagulat nga rin daw siya nang magbigay pa ng munting regalo ang pasyente dahil sa pagtulong na ginawa nila para rito.

"Thank you po for your little treats just because we accommodated you kahit nasa parking lot and wheelchair lang kayo. You uplift us that way"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos isang buwan nang patuloy na tumataas ang naitatalang kumpirmadong kaso kada araw.

Dahil dito, puno na rin ang mga ospital sa Metro Manila at sa mga karatig nitong probinsya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lamang ay pumanaw ang isang taong gulang na sanggol na sa kakahanap ng ospital ng kanyang pamilya ay bumigay na ang kanyang katawan. Lumabas namang negatibo siya sa COVID-19.

Read also

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

Ang isang nurse naman, minabuti nang gawing isang COVID ward ang kanilang tahanan para lamang malapatan ng medikal na atensyon ang sarili gayundin ang kanyang ina na tinamaan ng virus. Wala na rin kasing ospital na tumanggap sa kanila lalo na sa ina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica