Nurse at inang may virus, ginawang COVID-19 ward ang bahay dahil puno na ang mga ospital
- Gumawa na talaga ng paraan ang isang ER nurse na may COVID-19 para sa inang nagkaroon na rin ng virus
- Wala na siyang ospital na mapagdalhan sa NCR kaya minabuti niyang gawing COVID-19 ward ang kanilang tahanan
- Bagaman at mild lamang ang kanyang sintomas, ang ina niyang senior citizen ang nasa moderate to severe case
- Dahil dito, labis daw niyang nauunawaan ang hinaing ng marami kaugnay sa pagkadesperado ng mga tinatamaan ng COVID-19 na makahanap ng ospital na tatanggap pa sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Diskarte na ang pinairal ng nurse na si Nemray Mislang nang tamaan siya ng COVID-19 maging ang kanyang senior citizen na ina.
Nalaman ng KAMI na ginawang COVID-19 ward na ni Nemray ang kanilang tahanan dahil wala na siyang mapagdalhang ospital sa kanyang ina.
“Eh, kaso nga lang ‘yung mother ko kasi nag-positive din siya. Hinahanapan ko siya ng hospital pero wala talaga sa buong NCR,” pahayag ni Mislang sa panayam sa kanya ng GMA News.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nabakunahan na ng COVID vaccine ang nurse noong Marso 9 kaya naman mild na lamang ang sintomas sa kanya ng virus.
Subalit ang kanyang ina ang maituturing na nasa moderate to severe case kaya naman dinala na niya sa kanilang tahanan ang mga pasilidad at siya na mismo ang nag-aalaga pa rin dito.
Isa si Nemray sa ER nurse ng isang ospital sa Quezon City at nag-aasikaso noon sa tinatayang nasa 10 COVID patients kada araw.
Kaya naman labis niyang nauunawaan ang nararamdaman ng iba ng pagka-desperado na makahanap ng ospital na tatanggap sa kanila kapag tinamaan na ng kinatatakutang virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Halos isang buwan nang hindi bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Labis itong nakaalarma dahil sa kabila ng unti-unting pagdating mga bakuna ay patuloy pa ring tumataas ang naitatalang nagpopositibo sa virus.
Dahil dito, kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng enhance community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal na inaasahang tatagal pa hanggang Abril 11.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh