Ama na may sintomas ng COVID, dinala ng anak sa 11 na ospital bago ma-admit

Ama na may sintomas ng COVID, dinala ng anak sa 11 na ospital bago ma-admit

- Ibinagi ng isang netizen ang dinanas nilang mag-ama makahanap lang ng ospital

- Kinakitaan na ng sintomas ng COVID-19 ang kanyang ama na hinang-hina na sa kakahanap ng ospital na tatanggap sa kanila

- Mula Novaliches, nakarating sila ng Pampanga bago pa tuluyan silang na-admit sa Valenzuela

- Inabot din ng 12 oras ang kanilang paghahanap ng ospital at masasabing mapalad pa sila dahil nalapatan pa rin ng lunas ang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng netizen na si Melchie Garcia ang sinapit sa paghahanap ng ospital na tatanggap sa ama na kinakitaan na ng sintomas ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na mayroon nang lagnat, inuubo at nahihirapan nang huminga ang ama ni Melchie.

Puno raw talaga ang mga ospital na kanilang napupuntahan dahil umano sa mga pasyenteng may COVID-19.

Anak kasama ang amang may sintomas ng COVID, 11 na ospital ang narating bago ma-admit
Photo from Mechie Garcia
Source: Facebook

Nakarating pa talaga sila ng Pampanga subalit maging doon ay hindi na rin sila natanggap.

Read also

Gigo De Guzman, idinetalye ang mga 'huling lambing' ng inang si Claire Dela Fuente

Sa panayam sa kanila ng GMA News, naikwento nitong sinubukan nilang ang One Hospital Command Center ng Department of Health ngunit pang-32 pa sila sa maaring ma-accomodate.

Umabot sa 11 ang mga ospital na kanilang napuntahan bago tuluyang ma-admit ang ama sa Valenzuela.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“Sabi ko, ‘Pa, lumaban ka. Kahit makarating tayong Batangas, Laguna, makahanap lang tayo ospital,” kwento pa ni Mechie.

Masasabing mapalad pa umano sila na nakahanap ng ospital at nalapatan pa ng lunas ang ama.

Hindi tulad ng isang taong gulang na sanggol na sa kakahintay na makahanap ng ospital na tatanggap ay binawian na ng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang greater Manila area dahil sa biglaang paglobo ng bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19.

Mula pa noong Marso 12, hindi na bumaba sa 4,500 ang mga naitatalang kaso araw-araw.

Noong Marso 29 lumampas na sa 10,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito, puno na ang mga ospital sa Metro Manila kaya hindi na sila makatanggap pa ng mga pasyente lalo na kung ito ay COVID-19 case.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica