Cute! Simpleng sorpresa ng grupo ng mga bata sa kaibigan, umantig sa mga puso

Cute! Simpleng sorpresa ng grupo ng mga bata sa kaibigan, umantig sa mga puso

- Umantig sa maraming netizens ang isang viral post kung saan makikita ang nakakatuwang pagkakaibigan sa isang grupo ng kabataan

- Sa nasabing post, sinorpresa ng magkakaibigan ang isa sa kanila na may kaarawan

- Sa simpleng handa na kanilang inihanda para rito, marami ang talaga namang natuwa sa kanilang ginawa

- At kahit na simple lamang ang kanilang inihanda, marami pa rin ang humanga sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos dalawang daang libo na ang reactions ng isang viral post sa Facebook kung saan ipinakita ng isang grupo ng kabataan ang kanilang sorpresa para sa kanilang kaibigan.

Sa mga larawang inbinahagi ni Drayco Linnus Sudaria, ibinahagi nito ang nakatutuwang reaksyon ng kaibigang si Biboy sa kanilang sorpresa para rito.

Makikita rin nang akayin pa ng ilan sa mga ito si Biboy habang naka-blindfold.

OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo
Cute! Simpleng sorpresa ng grupo ng mga bata sa kaibigan, umantig sa mga puso

Photo: Drayco Linnus Sudaria
Source: Facebook

Naghihintay pala rito ang simpleng salu-salo na inihanda ng kanyang mga kaibigan.

Naghanda ang mga ito ng tinapay, pancit canton, brownies at juice na ipinakita rin sa post.

Simple man, marami pa rin ang naantig ang damdamin sa nakatutuwang pagkakaibigan ng mga ito.

Hanga rin ang ilan sa effort ng mga bata kahit pa nga limitado lamang ang kanilang kakayahan, ay nagawa pa rin ng mga itong pasayahin ang kaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At worth it naman ang lahat dahil kita sa mukha ni Biboy ang saya nang makita ang inihanda ng tropa.

Matapos nito ay masaya nang pinagsaluhan ng lahat ang kanilang inihanda.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Solid pano nalang paglaki nio na pagpatuloy nio mga lodi. God Bless Happy Birthday."
"Uyyy miss ko na yung gawa gawa lang na children’s party with cousins pag summer. HUHUHAHA."
Guro, pinag-blindfold ang kanyang mga estudyante para sa kanilang online recitation
"Ang cutieee ng friendship niyoooo happy birthday biboyyyy."
"Buti pa tong bata nato."
"Good old days, sana ganyan nalang kakamiss 7th bday ko hahaha."
"A little piece of heaven on earth... happy birthday Biboy."
"Sarap sa feeling nyan solid yung tropa."
"Mapapasanaol ka nalang talaga."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukuyan ay hindi maaaring lumabas ang batang edad 17 pababa dahil sa banta ng COVID-19. Patuloy naman ang edukasyon sa pamamagitan ng distance learning.

Isang estudyante naman ang nag-viral nang makita itong naglalako sa gilid ng kalsada habang uma-attend sa online class.

Isang batang mag-aaral din ang nabiyayan ng cellphone ng isang vlogger nang mag-viral habang nagtitinda ng lumpia.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel