Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

- Viral ang larawan ng isang college student na napagsasabay ang pag-aaral at ang pagha-hanapbuhay

- Nakunan siya ng larawang habang hawak ang cellphone at mayroon din siyang sulatan na yellow pad dahil kasalukuyan pala siya noong dumadalo sa kanyang online classes

- Hinangaan ng marami ang estudyante na sanay magsilbing inspirayon umano sa mga tulad niyang nag-aaral sa kabila ng pandemya

- Hiling din ng netizens na matulungan ang estudyante lalo na at kitang-kita naman ang pagsusumikap nito sa buhay makatapos lang ng pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Photo from PxHere
Source: UGC

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang binatilyong naglalako sa gilid ng kalsada habang hawak ang kanyang cellphone.

Kapansin-pansin na bukod sa kanyang cellphone ay makikita rin na mayroon din siyang yellow pad at tila mayroong isinusulat.

Nalaman ng KAMI na ang binatilyong ito ay si "Freedom" na isa pa lang estudyante.

Foundation ng mga lolo at lola na binaha sa Marikina, humihingi ng tulong

Nang makunan siya ng larawan ni Dennis Gorecho, kasalukuyan pala siya noong dumadalo sa kanyang online class.

Ayon sa post ng PUP Memes, napag-alaman din daw ni Dennis na second year college student na pala si Freedom na nagpapakadalubhasa sa Physics.

Ayon pa sa netizen, nakita niyang naglalako ng face masks, face shields at iba pa si Freedom sa may Evacom Parañaque.

Kitang-kita ang pagsusumikap ng binatilyo na hindi alintana ang lugar kung saan niya sinisikap na pagsabayin ang pag-aaral at ang paghahanapbuhay para sa kanyang pamilya.

Dahil dito, marami ang humanga kay Freedom at sana maging inspirasyon din daw ito sa mga kabataan na patuloy na nag-aaral sa kabila ng pandemya.

Nais din ng iba na matulungan si Freedom sa kahit ano pa mang paraan, kahit pang-load man lang para magkaroon siya ng internet connection upang tuloy-tuloy lamang ang kanyang pagkaklase online.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Nakakabilib ang kasipagan ng batang ito, tapos Physics major pa siya!"
"Maging inspirasyon ka sa mga kabataang lalo na sa mga pinanghihinaan na ng loob dahil sa kanilang ginagawa sa pag-aaral"
"Kung kinaya ni kuyam kaya niyo rin. Tiyagaan lang talaga"
"Tularan ka sana ng marami pang mga mag-aaral na pagbutihin pa rin ang pag-aaral sa kabila ng kabi-kabilang hirap na dinaranas nila."
"Maswerte ang parents nitong batang ito, talagang nagsusumikap matuloy lang ang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay hinangaan din ng marami ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dumalo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho.

Gayundin ang isang working student sa isang fast food chain na ginugugol ang kanyang breaktime sa pagdalo ng kanyang online classes.

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Distance learning man ang sistema ng edukasyon ngayong panuruang taon bilang pag-iingat sa COVID-19, marami pa ring mag-aaral ang hinarap ang hamon na ito sa tulong ng kanilang mga magulang masiguro lamang na tuloy-tuloy pa rin ang edukasyon sa kabila ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel