Guro, pinag-blindfold ang kanyang mga estudyante para sa kanilang online recitation

Guro, pinag-blindfold ang kanyang mga estudyante para sa kanilang online recitation

- Nag-viral ang isang guro matapos niyang ibahagi ang post tungkol sa mga estudyante niyang naka-blindfold sa klase

- Nilinaw ng guro na kaya niya ito ginawa ay upang masigurong walang binabasa ang kanyang mga estudyante sa kanilang oral recitation

- Nakiisa naman ang kanyang mga college students na kahit kinakabahan ay natuwa naman sa kakaibang diskarte ng guro

- Ayon pa sa guro, isa lamang ito sa iba't ibang pamamaraan upang mabigyang sigla ang online classes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang mala-Bird Box na diskarte ng gurong si Kerwin Membrado ng Saint Francis Xavier College sa Agusan Del Sur para sa online recitation ng kanyang mga estudyante.

Nalaman ng KAMI na para hindi magkaroon ng dayaan sa recitation, pinag-blindfold ni Kerwin ang kanyang mga college students habang nire-recite nito ang Philippine Professional Standards for Teachers (PPST) na may 7 domains at 37 strands.

Read also

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Nagmistula silang mga karakter ng "Bird Box", ang 2018 na pelikula ni Sandra Bullock kung saan naka-piring ang mga gumanap dahil itinakbo ng kwento nito na hindi dapat sila makakita ng elemento.

Guro, pinag-blindfold ang kanyang mga estudyante para sa kanilang online recitation
Photo from Kerwin Membrado
Source: Facebook

Dahil sa blindfold, napag-alaman ng guro na handa ang kanyang mga estudyante para sa kanilang recitation.

Subalit, pansin niyang kabado ang ilan habang ang iba naman daw ay na-excite.

Sa ganitong paraan mas na-engganyo ni Membrado ang kanyang mga estudyante na magseryoso at patuloy na matuto kahit online at hindi pa face to face ang kanilang klase.

Isa rin umano itong hamon sa iba pang mga guro ayon kay Membrado para mas maging kaiga-igaya ang online class at hindi puro discussion lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"I believe that this is the high time for us to think of outside the box activities, we can encourage our students to join the classes by way of giving them interesting activities even if it's online learning," ayon kay Membrado sa panayam sa kanya ng GMA News.

Read also

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

Dagdag pa ng guro, isa itong hamon sa kanyang mga kapwa teachers upang patunayan na hindi hadlang ang pandemya upang maipagpatuloy ang edukasyon sa mga estudyanteng nais na matuto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nito lamang Enero, nag-viral din ang conversation ng isang guro at kanyang estudyante na naghahanap ng proyekto. Mahinahong sinagot ng guro ang kanyang estudyante at sinabing "ikakasal" lamang muna siya bago niya hanapin ang ipinasang proyekto.

Samantala, sa kabila ng mga nakatutuwang eksenang ito sa new normal ng education, nag-viral din kamakailan ang hinaing ng isang estudyante na nakakuha ng bagsak na marka dahil umano naiwala ng guro ang kanyang activity na alam niyang kanya namang naipasa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica