OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo

OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo

- Ibinahagi ng isang OFW ang hindi niya inaasahang regalo mula sa kanyang amo

- Sa loob ng limang taon, ngayon lamang siya nabigyan na regalo ng kanyang amo at mamahaling alahas pa

- Tila ito ay pabaon daw sa kanya bilang pauwi na siya sa Pilipinas sa darating na Marso

- Hindi naiwasang maging emosyonal ng OFW dahil sa kabila umano ng mga sakripisyo niya ay naging mabuti naman ang kanyang amo sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing masuwerte ang OFW na si Mai Pionelo Dpcrtl dahil sa nagkaroon siya ng maayos at mabuting amo sa Saudi Arabia.

Ibinahagi ni Mai sa KAMI na papauwi na siya sa Marso matapos ang limang taon paninilbihan sa ibang bansa.

Kwento pa ni Mai, tila pinabaunan siya ng kanyang amo ng mamahaling singsing at ito raw ang unang beses na nakatanggap siya ng regalo mula rito.

Read also

OFW, suwerte sa among binilhan pa siya ng jacket nang makita siyang nilalamig

OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo
Photo from: Mai Pionelo Dpcrtl
Source: Facebook

Naiiyak pa raw ang amo niya habang iniaabot ang regalo dahil na rin alam nitong aalis na si Mai sa kanila.

Subalit sa kabila ng mga ito, mayroon pa ring pamilya si Mai na naghihintay sa kanya kaya naman wala nang makapipigil pa sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi sa KAMI:

From Roxas City Capiz po ako, single mom may isang anak. Nag-abroad ako para sa future ng anak ko at makapag-provide sa magulang at mapag-aral ang mga kapatid.
Pagdating ko dito sa Saudi, di agad ako napunta sa employer ko. Nag-stay pa ako ng 3 days sa shelter kasama ng mga distress OFW, 1week sa agency.
Hanggang sa nakuha ako ng amo ko. Hindi naging madali may mga araw na gusto ko na sumuko pero pag naaalala ko ang mga dahilan kaya ako umalis ng bansa, nagiging malakas ulit ako at nagpapatuloy sa buhay.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang pang-Hollywood na mga sapatos

Last year uuwi na sana ako, pero nagpandemic at nagka-cancer madam ko. Kaya hindi ako nakauwi dahil nahirapan din akong iwanan siyang may sakit.
Ngayong okay na siya kahit hirap silang bitawan ako kailangan ko na din umuwi para sa pamilya ko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilang OFW din ang nagbahagi ng kwento sa KAMI na kinapulutan talaga ng aral ng mga netizens.

Isa na rito ang kababayan sa Saudi mayroong napakabuting amo na ipinamili siya ng mga grocery items at iba pa niyang mga pangangailangan.

Mayroon din naman na kahit aminadong maliit ang kita sa abroad ay nakapagpatayo pa rin ng sarili niyang bahay at nakabili ng sarili niyang lupa na katas pa rin ng pagsasakripisyo niya na mawalay sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica