OFW, suwerte sa among binilhan pa siya ng jacket nang makita siyang nilalamig

OFW, suwerte sa among binilhan pa siya ng jacket nang makita siyang nilalamig

- Ibinahagi ng isang OFW ang kabaitan ng kanyang "madam" na labis niyang ipinagmamalaki

- Nakita raw siya ng amo na nagwawalis ng bakuran at talagang nakakakligkig ang lamig ng hangin

- Hindi nagdalawang isip ang amo na ibigay sa kanya ang suot mismong panlamig habang binibilhan siya nito ng bago

- Naantig ang puso ng OFW at labis niyang pinapahalagahan ang kabutihan ng kanyang amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagmamalaki ng overseas Filipino worker na si Chirsthy Rovillo Arquita ang kanyang amo na kinakitaan niya ng kabaitan.

Kwento mismo ni Chirsthy sa KAMI masuwerte siya sa kanyang amo na marunong umanong makisama at itinuturing silang hindi iba sa kanilang pamilya.

Ang hindi pa makakalimutan ni Chirsthy ay nang tanggalin ng kanyang "madam" ang suot na panlamig para lamang ibigay sa kanya. Iyon pala, bibilhan siya nito ng bagong jacket upang mayroon siyang mas maayos na magamit.

Read also

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

OFW, suwerte sa among binilhan pa siya ng jacket nang makita siyang nilalamig
Photo from: Chirsthy Rovillo Arquita
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Chirsthy:

Mahirap na masaya ang maging isang OFW. Una, mahirap kasi malayo ka sa mga mahal mo sa buhay.
Pangalawa, masaya kasi maibibigay mo sa kanila ang magandang buhay. Hindi biro maging isang OFW. Swertihan tayo sa amo na mapupuntahan natin kaya lagi mo tatandaan, bago ka maging isang OFW, kailangang matatag ka at matigas ang iyong dibdib.
Kaya ako, sa pangatlong alis ko ngayon, thankful ako kasi nakahanap ako ng amo na maayos makisama sa mga tulad natin kadama lamang.
Ramdam mo bilang isang tao pag iba turing sayo o pakikisama. Pero itong amo ko ngayon, wala ako masabi dahil lahat ng pangangailangan ko binibigay niya.
Di ako ginugutom. ultimo suot niya panlamig noong nakita niya akong naglinis sa labas, hinubad niya at pinasuot sakin ang kanyang panlamig at dali-dali siyang umalis ng bahay para bumili ng sarili ko panlamig.

Read also

Online Seller, ipinasilip ang bonggang bahay na katas ng kanyang pinaghirapan

Doon ko na-appreciate na di lahat ng employer masama. Basta tungkulin natin sa trabaho 'wag pababayaan pagiging malinis at masipag masunurin, yan ang gusto nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

OFW, suwerte sa among binilhan pa siya ng jacket nang makita siyang nilalamig
Mga ipinamili ng amo ni Chirsthy para sa kanya Photo from: Chirsthy Rovillo Arquita
Source: UGC

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilang OFW din ang nagbahagi ng kwento sa KAMI na kinapulutan talaga ng aral ng mga netizens.

Isa na rito ang ang kababayan sa Saudi mayroong napakabuting amo at kahit pauwi na siya ng Pilipinas ay binilhan pa rin siya nito ng regalo na mamahaling alahas.

Mayroon din naman na kahit aminadong maliit ang kita sa abroad ay nakapagpatayo pa rin ng sarili niyang bahay at nakabili ng sarili niyang lupa na katas pa rin ng pagsasakripisyo niya na mawalay sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica