19-anyos na Pinoy streamer, kumita na agad ng Php15,000 dahil lang sa pagtulog

19-anyos na Pinoy streamer, kumita na agad ng Php15,000 dahil lang sa pagtulog

- Sinubukan lamang daw ng 19-anyos na Pinoy streamer ang tinatawag na 'sleep stream' kung saan naka-live pa rin siya habang natutulog

- Hindi niya akalain na may nanonood pala sa kanya at pinadadalhan pa siya ng mga 'stars' na umano'y may katumbas na halaga

- Noong unang linggo ng Agosto, umabot na sa $300 o nasa Php15,000 ang kanyang kinita dahil lang sa pagtulog ng live

- Malaking bagay ang pagiging streamer niya ngayong pandemya na nakakatulong umano sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging instant lodi ng marami si Euan Garcera, isang 19-anyos na Pinoy streamer na nagawang kumita kahit natutulog.

Nalaman ng KAMI na sinubukan lamang umano ni Euan ang tinatawag na 'sleep stream' kung saan kahit natutulog, online pa rin ito at live na makikita ang kanyang pagpapahinga.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Kwento ni Euan sa GMA News, naisipan lamang niya itong gawin gayung wala naman daw umanong masyadong nanonood sa kanya.

19-anyos na Pinoy streamer, kumita na agad ng Php15,000 dahil lang sa pagtulog
Photo credit: Euan Garcera
Source: Facebook

Kaya naman, laking gulat ni Euan nang makitang may mga nanood sa kanya at nagpadala pa ng 'stars' na may katumbas na halaga ng pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, nito lamang unang linggo ng Agosto, pumalo na sa $300 o nasa Php15,000 ang kanyang kinita dahil lamang sa pagtulog.

Dahil dito, labis niyang pinasalamatan ang mga nanood at sumuporta sa kanya dahil malaking bagay ang pinadala ng mga ito na stars para sa kanyang pamilya lalong-lalo na at ramdam din nila ang dagok ng pandemya.

Ang ginawa na ito ni Euan ay hindi nalalayo sa ginawa rin ng isang Twitch streamer na si "Asian Andy" na sadyang kinukunan ang sarili ng video habang natutulog at pinahihintulutan pa niya ang kanyang mga nanonood na kalampagin siya habang siya ay nahihimbing.

Read also

19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay

Dahil sa kanyang kakaibang trip na ito, $16,000 ang kinita niya o katumbas ₱800,000.

Samantala, noong 2020, isang Pinoy ang nag-viral matapos na i-video ang sarili habang natutulog. Nagawa raw niya ito upang maagaw ang pansin ng kanyang dating asawa na nilisan siya umano kasama ang kanyang anak.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel