Imbes kulong, sa kasal nauwi ang reklamo ng Taal victim na ginulpi ni mister

Imbes kulong, sa kasal nauwi ang reklamo ng Taal victim na ginulpi ni mister

- Mukhang mauuwi sa happy ending ang reklamo ng isang Taal victim na ginulpi ng kanyang kinakasama

- Sa halip kasi na ipakulong ng babae ang lalaki ay pinatawad na lamang ito alang-alang sa kanilang pamilya

- Inalok pa ang dalawa ni Raffy Tulfo ng kasal at sagot nito ang lahat

- Nangako rin ito na tatayong ninong sa kasal ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos ang mainit na paghaharap sa programang Wanted sa Radyo, nauwi sa usapang kasalan ang reklamo ng ginang na si Venus Amigo, isa sa mga nasalanta dahil sa pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Ang kasal, inalok pa mismo ni Raffy Tulfo at nangakong sasagutin nito ang lahat. Nangako rin ito na tatayo itong ninong sa kasal ng dalawa.

Una nang naiulat ng nang idulog ni Venus ang reklamo laban sa kinakasama na si Romiel Gonzales na bukod sa mayroon nang ibang babae ay sinaktan pa siya.

Desidido na sana si Venus na ipakulong si Romiel dahil sa ginawa nito sa kanya lalo pa nang makausap nito on-air ang number two ng lalaki na si Cathy Manlingas.

Iginigiit kasi ni Cathy na matagal nang hiwalay ang dalawa at sila na ang nagsasama ng lalaki.

Alam din daw ni Venus ang kanilang relasyon, bagay na mas lalong ikinagigil ng una at itinanggi ito.

Sa huli, pinili rin ni Romiel si Venus at ang kanyang mga anak.

Upang makapag-usap ang dalawa ay binigyan ng pagkakataon ni Raffy Tulfo ang mga ito ng oras para mag-usap ng sarilinan.

Kinumbinsi rin ni idol ang ginang na ayusin ang kanilang pamilya alang-alang sa kanilang mga anak.

Malaking tulong din ang naging pahayag ng kapatid ni Venus na sinabing mabait naman daw ang lalaki.

Nang mahimasmasan ay pumayag na rin ang babae na huwag nang kasuhan ang kinakasama.

Bukod sa kanilang mga anak, ayaw din daw ni Venus na malayo si Romiel sa kanilang mga anak.

Dito na inalok ni Tulfo ang kasal na sinang-ayunan naman ng dalawa.

Bukod dito, bibigyan din ni idol ng pangkabuhayan si Venus para makatulong sa kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel