Lalake, ₱800,000 ang kinita dahil lang sa pag-video ng sarili habang natutulog

Lalake, ₱800,000 ang kinita dahil lang sa pag-video ng sarili habang natutulog

- Tumataginting na $16,000 ang kinita o katumbas ₱800,000 ng isang Twitch streamer sa Los Angeles, California

- Ito ay dahil lamang sa pag-live stream ng sarili habang siya ay natutulog

- Bahagi ng pakulo ni "Asian Andy" ang pagpapahintulot sa kanyang mga viewers na istorbohin ang kanyang pagtulog kapalit ng donasyon

- Hindi halos makapaniwala ni "Asian Andy" sa laki ng kanyang kinita sa loob lamang ng ilang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Puyat ang puhunan" ng Twitch streamer na si "Asian Andy" dahil lamang sa pag-live stream ng sarili habang siya ay natutulog.

Nalaman ng KAMI na ang pakulo ng 26-anyos na streamer na ang tunay na pangalan ay Steven ay kumita ng $16,000 o katumbas ₱800,000 sa loob lamang ng pitong oras ng pagtangka niyang makatulog ng maayos.

Ayon sa Yahoo News, bahagi kasi ng pakulo ni Asian Andy ang pagpapahintulot sa kanyang mga viewers na istorbohin ang kanyang pagtulog sa pamamagitan ng text-to-speech recognition.

Read also

Cassy Legaspi, Darren Espanto nagpalitan ng nakakakilig na ‘cup noodle’ tweets

Lalake, kumita ng katumbas ₱800,000 dahil lang sa pag-live stream ng sarili habang natutulog
Photo credit: Asian Andy
Source: UGC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang nabubulabog si Asian Andy dahil sa bawat ingay, malakas na patugtog o maging alarm na ginagamit ng kanyang viewers para maistorbo ang kanyang tulog ay may katumbas na donasyon.

Base sa ulat ng Business Insider, halos hindi makapaniwala si Asian Andy sa laki ng donasyong kanyang natanggap.

Kaya naman sa bandang huli ng kanyang video, nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagbigay asa kanya at hindi niya maiwasang maibahagi ang minsan niyang pinagdaanan bago siya maging isang streamer.

"I used to drive Uber for $16 an hour," kwento ni Andy kaya naman laking gulat niya na $16,000 ang kanyang kinita dahil lang sa pagtulog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Ang Twitch ay isang livestream platform na ginagamit ng mga gamers at mga tinatawag na lifestylecasters. Isa sa mga patok na pakulo ngayon sa nasabing platform ang "sleep stream."

Matatandaang noong 2020, isang Pinoy ang nag-viral matapos na i-video ang sarili habang natutulog. Nagawa raw niya ito upang maagaw ang pansin ng kanyang dating asawa na nilisan siya umano kasama ang kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel