Lalaking natulog lang sa kanyang live video, may malalim na dahilan bakit ito nagawa

Lalaking natulog lang sa kanyang live video, may malalim na dahilan bakit ito nagawa

- Nag-viral ang isang lalaki na natulog lang naman sa kanyang live video

- Laking gulat niya nang malamang nag-trending ang kanyang live na pagtulog na may malalim pa lang dahilan

- Makalipas ang apat na oras niyang pagiging live sa kanyang social media, halos di siya makapaniwala nang makitang libo-libo na pala ang nanoond sa kanya

- Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1.6 million views ang viral video niyang nakapagbigay aliw sa maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking natulog lang sa kanyang live video, may malalim na dahilan bakit ito nagawa

Marnie Saez (Screengrab from Marnie Saez Facebook live)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang kakaibang ginawa ng isang online vlogger sa Cavite na si Marnie Saez.

Nalaman ng KAMI na habang ang ibang vlogger ay nagpapakahirap mag-isip at gumawa ng kanilang content, si Marnie, nagpahinga at natulog lang, paggising, sikat na!

11 ng gabi ng Agosto 6 nang maisipan ni Marnie na mag-live habang siya ay natutulog.

Nang magising bandang alas-tres ng madaling araw ng Agosto 7, laking gulat niya nang makita na libo-libo na ang nanonood sa kanya.

Ngunit ang katuwaang ito ay may matindi pa lang pinaghuhugutan.

Pahayag ni Marnie sa panayam sa kanya ni Allan Francisco, iniwan daw siya ng kanyang mag-ina dahil sa di pagkakaintindihan.

Naisipan niyang gawin ang video upang mapansin ng kanyang live-in partner ang kanyang pangungulila sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit napag-alamang tulog na pala ang nakaalitang ka-live in nang mga oras na iyon at wala rin itong kaalam-alam sa ginawa ni Marnie.

Aliw na aliw ang mga netizens dahil maging ang paghilik ng vlogger ay kitang-kita at dinig na dinig sa video.

Humanga rin naman ang iba dahil nagawa pa ni Marnie na magdasal bago matulog.

Kinaumagahan, nagawa pa niyang magpasalamat sa mga taong nanood sa kanya kahit natutulog lamang siya sa kanyang video.

Nagulat siya na hindi lamang mga Pilipino ang kanyang audience kundi ilang mga nasa ibang bansa.

Dahil dito, masaya na raw si Marnie at kahit na paano ay nakatulong siyang maibsan ang takot at pangamba ng mga nanonood sa kanya dahil sa kinahaharap nating pandemya sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1.6 million ang views ng live video ni Marnie.

Bukod sa mga online sellers, dumarami na rin ang mga vloggers ngayong panahon ng pandemya.

Maaari rin kasi nila itong pagkakitaan lalo na kung pumatok ang videos na kanilang ginawa kahit nasa bahay lamang sila.

Ang ilan naman, nagagawang tumulong sa kanilang kapwa na siyang content ng kanilang video. Tinatangkilik ito ng mga tao dahil nakikita naman nila ang pagtulong sa kapwa ng mga vloggers na ito at marami ang nagiging maayos ang kalagayan dahil sa kanila.

Ang iba, nabibiyayaan pa ng hindi basta-bastang tulong tulad ng pagkakaroon ng sariling bahay lalo na sa mga kababayan nating may edad na at naghihikahos pa rin sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel