19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay
- Marami ang humanga sa isang 19-anyos na working student na nakapagpundar na ng sariling bahay
- Mula sa pagiging call center agent at pagbebenta ng baked mac at cookies, itu-turnover sa kanya ang kanyang bahay sa isang taon
- Nagtataka ang kanyang mga magulang sa pagkuha agad niya ng bahay ngunit katwiran niya, maari nila itong paupahan at pagkakitaan
- Labis na ipinagmamalaki siya ng kanyang pamilya dahil sa maagang panahon, praktikal na agad siya at madiskarte
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang bumilib sa 19-anyos na si Patricia Mae Tandas na nakapagpundar na ng sarili niyang bahay.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Patricia sa kanyang Facebook ang dating pinangarap lamang niya na sariling bahay na kanya agad naisakatuparan.
Isang working student si Patricia. Pag-aaral ang inaatupag niya sa umaga at sa gabi naman ay isa siyang call center agent. Bukod pa rito, nagagawa pa niyang magbenta ng baked mac at cookies.
Dahil sa may sariling perang kinikita, malaki ang naitutulong niya sa pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Imbis na ibili rin ng luho, makabuluhang bagay ang pinaglalaanan niya ng kanyang sariling pera.
Subalit ang kanyang mga magulang, nagulat nang bahay ang agad na binili ni Patricia.
Inakala pa nga ng mga ito na nais nang bumukod ng dalaga. Subalit mas lalo silang humanga sa katwiran nito na maari nilang paupahan at pagkakitaan ang nabiling bahay.
Sa isang taon, tuluyan na itong itu-turnover sa kanya.
Wala namang pagsidlan ng kasiyahan ang kanyang ina na talagang proud sa pagiging praktikal at madiskarte ni Patricia kahit estudyante pa lamang siya.
Naibahagi rin ng GMA News ang kanyang kwento:
Hindi nalalayo sa kwento ni Patricia kay Clara Matos, ang 17-anyos na raketera na nakapagpatayo rin ng sarili nilang bahay ng kanyang tatay.
Si Clara ay natulungan ng vlogger na si 'Virgelyncares'. dahil napansin nito ang kanyang kasipagan kahit siya lamang mag-isa ang nagtataguyod sa kanyang ama na na-stroke.
Sa pagtitinda ng merienda, hanggang sa pagigign online seller, ginawa ni Clara para matustusan ang pangangailangan nila.
Kalaunan, pinasok na rin ni Clara ang pagiging isang vlogger sa suporta na rin ni Virgelyn.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh