Mura, emosyonal sa muling pagbisita ng vlogger na tumutulong sa kanya
- Hindi naiwasang maluha ni Mura nang muli siyang bisitahin ng vlogger na si Virgelyn
- Sa ngayon kasi, nanatili na muna si Mura sa kanilang probinsya kung saan siya nakabili ng lupa
- Pagtatanim ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon kaya naman hinandugan siya ni Virgelyn ng magagamit niya sa taniman
- Labis ang pasasalamat ni Mura sa vlogger na tumutulong sa kanya buhat nang una siya nitong mabisita
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling sinurpresa ng YouTube content creator na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' si Mura na kasalukuyan ngayong nasa Bicol.
Nalaman ng KAMI na ito na ang pangalawang pagkakataon na kumustahin at bisitahin ni 'Virgelyn' ang dating artista.
Naikwento at ipinakita kasi ni Mura na pagtatanim na ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon sa lupa na nabili niya noong aktibo pa siya sa showbiz.
Dahil umano sa kanyang aksidenteng sinapit, hirap na siyang maglakad na siyang dahilan para hindi na siya makatanggap ng proyekto sa telebisyon man o pelikula.
Kaya naman sa pagbabalik ni Virgelyn, dala niya ang baka na makatutulong kay Mura sa kanyang pagtatanim.
Hindi naiwasang maging emosyonal ni Mura na hiling din ang paggaling ng kanyang balakang sa pagbabakasakaling makabalik pa siya sa pag-aartista kung saan mas maayos ang kanyang kinikita para na rin sa kanyang pamilya.
"May nagsabi na bakit 'yung vlogger na ang tumutulong sa artista... Kung sino 'yung may kakayanan sa atin, tayo ang tumulong," paliwanag ni Virgelyn sa pagbibigay niya ng biyaya kay Mura.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Allan "Mura" Padua ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.
Samantala, Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Sinusuportahan din siya ng mga OFW na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.
Isa sa mga natulungan din ni Virgelyn ang isang walong taong gulang na bata na tumatayong nanay sa kanyang mga kapatid.
Gayundin ang noo'y 17-anyos na raketera na nakapagpatayo ng bahay para sa kanilang mag-ama mula sa kanyang paglalako ng merienda at online business.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh