OFW na tatlong taong di nakauwi, nagkunwaring customer para isurpresa ang pamilya
- Nag-viral ang video ng isang anak na OFW na sinurpresa ang kanyang pamilya sa biglaan nitong pag-uwi
- Nagpanggap itong customer ng negosyong litsunan ng kanyang mga magulang
- Nang kunin ng kanyang ina ang kanyang pangalan para sa reservation, doon lamang niya nalamang ito ang anak niyang OFW
- Makikita sa video kung gaano nasurpresa ang mga magulang ng OFW
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng mga netizens ang eksena kung saan sinurpresa ng OFW na si Giovanni Canoog ang kanyang pamilya partikular na ang kanyang mga magulang
Nalaman ng KAMI na tatlong taon nang hindi nakauwi ng Pilipinas si Giovanni na nagtatrabaho sa Japan.
At para masurpresa ang kanyang mga magulang, nagpanggap ito na customer na oorder sa kanilang litsunan.
Hndi talaga siya napansin ng kanyang ina hanggang sa kailangan na nitong kunin ang kanyang pangalan sa paglilista ng order.
Nang ibigay niya ang buong pangalan, nagulat at talagang nahablot siya ng kanyang ina na halos hindi na siya pakawalan sa pagkakayakap.
Ang ama ni Giovanni, hindi naman namalayan na siya na pala ang ka-kwentuhan. Inakala lang din na siya'y isang customer at nang lingunin niya ito, saka lang niya napansin na iyon na pala ang kanyang anak na matagal na nilang hinihintay ang pag-uwi.
"Nais ko lang ipaabot po, na magbigay inspirasyon sa bawat isa na habang may nagmamahal sa atin na mga magulang, hangga't kaya pa po natin silang yakapin, hangga't kaya pa nating iparamdam sa kanila ang pagmamahal, ay bigyang halaga po natin ang ating mga magulang po," pahayag ni Giovanni sa panayam sa kanya ng GMA News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makauwi sa Pilipinas at makita sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian.
Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh