OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

- Naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang OFW na emosyonal nang makauwi na sa naipatayong bahay sa Pilipinas

- Napakarami nila kasing pinagdaanan habang unti-unti nila itong naipatatayo

- Ilang taon din siyang nagtiis noon sa kanyang malupit na amo at iniisip lagi ang maipapadala sa kanyang pamilya

- Dumating pa sa punto na nangunguha ang kanyang mister ng maaring maibenta mula sa basurahan gayung dalawa silang nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang overseas Filipino worker na si Ronalyn Quitola na nakauwi na sa ipinatayong bahay sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal pa ito nang makita sa kauna-unahang pagkakataon ang bahay na katas ng mga sakripisyo nila sa ibang bansa.

Naikwento ni Ronalyn na marami silang tiniis mag-asawa sa ibang bansa para lamang makapagpundar ng sarili nilang bahay.

Read also

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan
Photo: Ronalyn Quitola (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nandoong makaranas siya ng pagmamalupit ng amo na kanyang tiniis para lamang patuloy na makapagpadala sa kanyang pamilya.

At nang mag-pandemya, kasama silang mag-asawa sa mga nawalan ng hanapbuhay abroad at hindi agad nakauwi.

Dahil dito, isa ang kanyang mister sa mga napapabalita noon sa Saudi na nangangalakal para mayroong maibentang gamit mula sa basura.

Hanggang sa makauwi na nga si Ronalyn sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Napaluhod talaga ito sa may pinto pa lang ng bahay na kanyang naipagawa.

Kwento pa ng kanyang anak, talagang napapahalik sa sahig ng bawat bahagi ng bahay ang kanyang ina.

Halos hindi makapaniwala si Ronalyn na umabot pa sa dalawang palapag ang kanilang tahanan.

Ngunti dahil sa marami pang kulang dito at para na rin sa mga pangangailangan ng kanyang anak, minabuti pa rin niyang mangibang bansa.

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Read also

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica