OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

- Aminadong nanlumo ang isang OFW nang malamang kasama ang kanilang tahanan sa naapektuhang mga bahay dahil sa pagbitak ng lupa sa Isabela

- Nakunan pa ng video ng kanyang 15-anyos na anak ang paglikas ng kanilang pamilya

- Pauwi na sana ngayong taon ang OFW ngunit dahil naglahong parang bula ang kanyang pinaghirapan, kinailangan niyang mag-extend

- Ang masaklap pa sa nangyari, hindi manlang niya ito natirahan kahit sa maiksing panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng Overseas Filipino Worker na si Sally Niesalie Asuncion Viernes kung saan ipinakita niya ang sinapit ng kanilang tahanan noong Hunyo 8.

Nalaman ng KAMI na kasama ang kanilang tahanan sa naapektuhan ng pagbitak ng lupa sa Purok Barikir, Benito Soliven sa Isabela.

Nakunan pa umano ng kanyang anak ang aktwal nilang paglikas bago pa man gumuho ang kanilang tahanan.

Read also

Kris Bernal, ikinuwento sa Eat Bulaga ang naranasang 'fake booking' kamakailan

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho
Ang gumuhong tahanan ni Sally sa Isabela (Sally Niesalie Asuncion Viernes)
Source: Facebook

Labis ang paghihinagpis ni Sally sa nangyari. Aniya, naglaho na lamang sa isang iglap ang tahanan na pinaghirapan nilang ipundar ng kanyang ina.

Bukod kasi sa pagiging isang OFW, online seller din siya. Talagang dobela kayod si Sally na katuwang din ang kanyang ina sa munting negosyo.

Pauwi na nga sana siya ngayong taon sa Pilipinas ngunit dahil sa nangyari, mapipilitan pa siyang mag-extend para lamang makapag-ipon muli ng pera.

Aminado siyang walang-wala sila ngayon at maging ang sahod niya ay mas mabilis na nauubos.

Kasalukuyan pang nasa evacuation center pa rin sa Isabela ang kanyang pamilya na ligtas at wala namang nasaktan.

Ang masaklap pa sa nangyari, ni hindi manlang niya umano natirahan ang kanilang tahanan.

Narito ang kabuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang si Sally sa mga kababayan nating OFW na doble kayod sa ibang bansa, maibigay lamang ang mas maginhawang buhay para sa kanilang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Read also

Mahusay na artist, mabilis na naiguhit ang isang babaeng nakatayo lamang sa harap niya

Nakalulungkot isipin na sa gitna ng pandemya, dinanas pa ni Sally na mawalan ng tahanan na kanilang pinagsumikapang maipatayo at upang may matawag na sarili nilang bahay.

Sa ngayon, tanging dasal at pananampalataya ang kanilang pinanghahawakan habang unti-unting bumabangon sa mula sa pagguho 'di lamang ng kanilang tahanan kundi maging ng kanilang mga pangarap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica