Kris Bernal, ikinuwento sa "Eat Bulaga" ang naranasang 'fake booking' kamakailan

Kris Bernal, ikinuwento sa "Eat Bulaga" ang naranasang 'fake booking' kamakailan

- Idinetalye mismo ni Kris Bernal ang karanasan niya bilang isang biktima ng 'fake booking'

- Binanggit niya ang ilang mga items na nadala sa kanya ng 23 delivery riders noong nakaraang linggo

- Binigyang diin niya na hindi niya pinalampas ang panloloko ng salarin gayung hindi lamang pala siya ang naging biktima nito

- Matatandaang maging ang aktres na si Angelica Dela Cruz at ilang miyembro ng SexBomb Dancers ay nabiktima rin ni alyas 'JenJen Manalo'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa 'Bawal Judgemental' ng Eat Bulaga, naikwento muli ng aktres na si Kris Bernal ang nangyari noong nakaraang linggo kung saan nabiktima umano siya ng 'fake booking.'

Nalaman ng KAMI na labis na nagulat ang Kapuso actress nang magsidatingan ang 23 delivery riders sa kanyang tahanan.

Kwento ni Kris, kung ano-ano lamang ang ipina-deliver sa kanya na karamihan ay mga pagkain.

Read also

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

Kris Bernal, ikinuwento sa Eat Bulaga ang naranasang 'fake booking' kamakailan
Kris Bernal
Source: Instagram
"Iba-iba, may Php2,000, may Japanese (food) meron naman sabon lang ang inorder... may pansit, kung ano-ano lang"

Subalit ang labis niya umanong ikinasasama ng loob sa nangyari ay ang abala na nagawa ng scammer sa mga delivery riders.

Mabuti na lamang at naaksyunan agad ang insidente upang hindi na gaanong maagrabyado pa ang riders sa panti-trip umano ni Ludylyn Odono na gumagamit ng pangalang 'Jenjen Manalo.'

Ayon pa kay Kris, Sabado noong Hulyo 3 nanganap ang pagdagsa ng delivery riders. Agad naman niyang nai-post sa social media ang pangyayari.

Subalit, naulit na naman muli ang panloloko sa kanya at iisang tao pa rin ang gumawa nito.

Aminado ang aktres na kinasuhan na niya si Odono at hindi basta mapatawad dahil hindi rin niya naramdaman ang sinseridad nito nang kanyang makausap.

Prank lamang daw ayon kay Odono ang nagawa dahilan para mas lalong dapat na mabigyan daw ito ng leksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

Si Kris Bernal ay isang Filipina actress na nakilala nang maging finalist ng talent competition ng GMA, ang StarStruck.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin ang aktres sa kanyang Instagram ukol sa pagdagsa ng nasa 23 na delivery riders sa kanilang tahanan dahil umano sa fake orders na ipina-deliver umano ng nagngangalang Ludylyn Odono.

Ilang araw matapos ang insidente, dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang aktres upang maturuan ng karampatang leksyon ang salarin at hindi na makapanloko pa ng iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica