Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

-Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinarinig ni Vice Ganda ang 'liham' niya tungkol sa pagsubok na hinaharap ng ABS-CBN.

- Naisulat daw niya ang awitin habang inaalala ang mga nangyari sa mahigit na isang taong pagsasara ng 'Kapamilya Network'

- Emosyonal siyang nagtanghal sa 'ASAP Natin 'To' kung saan maging ang mga big boss ng kanilang network ay naantig sa kanyang awitin

- Isa si Vice Ganda sa mga Kapamilyang nanatili sa istasyon kahit hanggang ngayon ay matinding dagok pa rin ang pagkawala ng kanilang prangkisa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang emosyonal na Vice Ganda ang nagtanghal sa ASAP Natin 'To ngayong Hulyo 11.

Nalaman ng KAMI na sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinarinig ni Vice Ganda sa publiko ang 'liham' niya sa ABS-CBN patungkol sa pagsubok na pinagdaraaan nila.

"Isang taon na ang nakalipas, matapos ka nilang lapastanganin, Kumusta ka na ba, mahal kong ABS-CBN?" panimula ni Vice Ganda.

Read also

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

"Nakita ko kung paano ka nila sinaktan, kung paano ka nila isinubsob, at patuloy na sinisipa habang nakayuko at nakadapa," pagpapatuloy pa niya.

Kaya naman idinaan niya sa isang awit ang nais niya iparating sa mga Kapamilya.

Humingi siya ng pahintulot kay Ice Seguerra na magamit ang musika ng kanta nitong "Anong nangyari sa ating dalawa" kung saan pinalitan lamang ni Vice ng mga liriko.

"Pasintabi kay Ice Seguerra at sa sumulat ng awit na 'Anong nangyari sa ating dalawa' dahil bahagya ko pong pinalitan ang mga titik ng awitin."

"Ito ang liham ko mahal kong Kapamilya," ang kanyang nasambit bago ibuhos ang kanyang emosyon sa awiting nagpaluha rin maging sa big boss ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN Entertainment:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mga 'Big Boss' ng ABS-CBN, emosyonal sa awiting handog ni Vice Ganda para sa mga 'Kapamilya'

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, inamin nitong bumabalik na naman ang sakit sa bato na dati niyang dinanas at talaga umanong nahirapan siya. Sa ngayon, nag-gagamot si Vice para sa kanyang karamdaman habang patuloy pa rin ang pagpapasaya niya sa 'madlang pipol'.

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel