Mga 'Big Boss' ng ABS-CBN, emosyonal sa awiting handog ni Vice Ganda para sa mga 'Kapamilya'

Mga 'Big Boss' ng ABS-CBN, emosyonal sa awiting handog ni Vice Ganda para sa mga 'Kapamilya'

- Hindi napigilang maging emosyonal ng mga big boss ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes

- Nahagip sila ng camera sa 'ASAP Kapamilya Forever' ngayong Hulyo 11 kung saan nagtipon-tipo ang mga malalaking bituin ng ABS-CBN

- At nang kantahin na ni Vice Ganda ang awiting kanyang naisulat para sa ABS-CBN, makikita ang dalawang boss na emosyonal

- Mapapansing halos maluha ang dalawa sa pagpalakpak matapos ang emosyonal na awitin ni Vice Ganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahagip ng camera ang dalawang big boss ng ABS-CBN habang nagtatanghal si Vice Ganda sa ASAP Na'tin 'To ngayong Hulyo 11.

Mga 'Big Boss' ng ABS-CBN, emosyonal sa awiting handog ni Vice Ganda para sa mga 'Kapamilya'
Mga 'Big Boss' ng ABS-CBN, emosyonal sa awiting handog ni Vice Ganda para sa mga 'Kapamilya'
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isang emosyonal na awitin ang kinanta ni Vice Ganda na kanyang nilikha sa pag-alaala niya ng nangyaring pagsasara sa Kapamilya network, mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Humingi ng pahintulot si Vice na gamitin ang awitin ni Ice Seguerra para malapatan ng bagong liriko na aakma sa sitwasyon at emosyon na kanyang nararamdaman para sa ABS-CBN.

Bago matapos ang kanyang awitin, na maging siya ay halos maiyak na, ipinakita ang reaksyon ng kanilang executive and Chief Operating Officer for Broadcast na si Cory Vidanes at current president at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.

Mapapansin ang nangingilid na luha ni Vidanes habang pumapalakpak sa isa sa mga nanatiling artista sa kanila na si Vice Ganda.

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN Entertainment:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang paggunita ng ika-isang taon ng pagpapasara sa ABS-CBN, isang mensahe ang ipinaabot ni presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation na si Carlo Katigbak.

Sa unang naiulat ng KAMI, naibahagi ang mga matatalim na naging pahayag nito ukol sa pagsubok na patuloy na dinaranas ng kanilang network.

Read also

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

Matatandaang ayon naman sa isang pahayag ni Deputy Speaker Marcoleta pagkatapos ng ABS-CBN shutdown noong nakaraang taon, posibleng hindi na makapag-renew ang Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts

Source: Kami.com.ph

Online view pixel