Marcoleta: ABS-CBN, wala ng chance makakuha ng panibagong prangkisa

Marcoleta: ABS-CBN, wala ng chance makakuha ng panibagong prangkisa

- Kung si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang tatanungin, wala na raw tyansa ang ABS-CBN Corp. na makakuha ng panibagong prangkisa

- Giit pa ni Marcoleta, ang broadcast frequencies ay "finite resources" ng gobyerno at maaaring ibigay sa sinumang kwalipikado rito bago ang 2022

- Ayon sa ilang mambabatas, maaari pa naman daw umapela ang ABS-CBN ngunit hindi sang-ayon dito si Marcoleta

- Dagdag pa nito, nasa ABS-CBN na kung ano ang kanilang susunod na hakbang ngunit malabo nang mabigyan pa ito ng prangkisa dahil "pinatay" na sa Kamara ang renewal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kung si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang tatanungin, wala na raw tyansa ang ABS-CBN Corp. na makakuha ng panibagong prangkisa.

Sa isang Facebook Live, sinagot ni Marcoleta ang mga katanungan ng ilang media people matapos ang pagbasura ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Marcoleta: ABS-CBN, wala ng chance makakuha ng panibagong prangkisa

Photo from Facebook
Source: Facebook

Maaari naman daw na mag-file ng panibagong franchise renewal ang ABS-CBN sa 2022 pero posible rin na naibigay na ito sa ibang kompanya na mag-aapply para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Pano kung may binigyan na ang gobyerno? Anong franchise pa ang ibibigay mo sa kanya," anito.

Giit pa ni Marcoleta, ang broadcast frequencies ay "finite resources" ng gobyerno at maaaring ibigay sa sinumang kwalipikado rito bago ang 2022.

Ayon sa ilang mambabatas, maaari pa naman daw umapela ang ABS-CBN ngunit hindi sang-ayon dito si Marcoleta.

"I cannot speculate. It's up to them (ABS-CBN) what's their next move. As for them filing another bill, there's no way. Why would you process the application from the same organization when it was rejected already?" sabi pa ni Marcoleta.

Ikinalulungkot din daw nito at ng iba pang mambabatas ang pangyayari lalo pa na marami ang tiyak na mawawalan ng trabaho dahil dito. Ngunit ginagawa lamang daw nila ang kanilang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Congressman Rodante Marcoleta ay miyembro ng Inglesia ni Cristo.

Na-elect ito bilang SAGIP representative noong 2016 mula sa pagiging miyembro ng Alagad partylist.

Isa si Marcoleta sa mga kongresista na naging bokal sa pagpuna sa mga umano'y paglabag ng ABS-CBN.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel