Kris Bernal, sinabing tila iisang tao ang nanloloko gamit ang kanyang pangalan
- Isinalaysay ni Kris Bernal ang mga kaganapan kamakailan kung saan nagagamit umano ang pangalan niya para makapanloko
- Nito lamang Hulyo 3, umabot sa 23 na mga Grab Food delivery riders ang dumating sa bahay nila dahil sa 'fake booking' na gumamit ng pangalan niya
- Sinabi ni Kris na hindi ito ang unang pagkakataon na nagamit ang kanyang pangalan ng nagpapakilalang sekretarya niya
- Ayon din sa aktres, tila iisang tao ang gumagawa nito dahil nakakausap pa ito ng mga riders or merchants na nagagawa nitong lokohin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matiyagang nai-post ni Kris Bernal ang mga panloloko ng scammer na gumagamit umano ng pangalan niya.
Nalaman ng KAMI na noong Hulyo 3, umabot sa 23 na mga delivery riders ang dumating sa kanilang bahay upang magdeliver ng order daw ni Kris.
Subalit wala naman umanong pinapa-order ang aktres na labis na rin na pinagtakhan ng kanyang ina.
Bukod dito, naibahagi rin ni Kris na minsan na ring nagamit ang pangalan niya ng nagpakilalang assistant niya para makapanloko ng mga maliliit na negosyo.
Ang masaklap, tila iisang tao lamang daw ang gumagawa nito sa kanya base na rin umano sa mga recordings ng usapan sa telepono na nakuha ng mga delivery riders at merchants na nakakausap pa ang 'scammer.'
Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.
Bukod sa kanyang matagumpay na negosyo, hilig din ni Kris ibahagi ang kanyang workout routines sa kanyang social media account. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging masigasig sa pagwo-workout upang makamit ang kanyang #bodygoals.
Gayunpaman, ilang beses nang nakaranas ng body-shaming ang aktres dahil sa kanyang pagpapapayat. Kaya naman, nagbahagi siya ng mensahe para sa mga kagaya niyang nahahamak sa social media dahil sa kanyang katawan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh