Car owner na pinakalma pa ang driver ng jeep na nakabangga sa kanya, hinangaan

Car owner na pinakalma pa ang driver ng jeep na nakabangga sa kanya, hinangaan

- Marami ang humanga sa may-ari ng kotse na hindi na nagawa pang magalit sa tsuper ng jeep na nakabangga sa kanyang sasakyan

- Nakita umano niyang hindi sadya ng driver ang nangyari ngunit mababakas ang kaba nito

- Imbis na magalit, nagawa pang pakalmahin ng may-ari ng kotse ang driver at sinabing wala itong dapat na ipag-alala

- Mas pinili ng may-ari ng kotse na daanin sa mahinahong pag-uusap ang nangyari lalo na sa panahon ngayon ng pandemya na marami nang dinaranas na problema ang bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ipinakitang kabutihan ng may-ari ng kotse na si Francis Anthony Semana sa driver ng owner type jeep na nakabangga umano sa kanyang sasakyan.

Kwento ni Francis sa panayam sa kanya ng UNTV Radyo La Verdad, sinabi nitong nagulat na lamang siya nang biglang sumalpok ang jeep sa kanyang sasakyan.

Read also

Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya

Agad siyang bumaba para usisain ang nangyari at nakita niyang walang driver ang jeep.

Nang makita naman niya itong paparating, mababakas daw ang labis na kaba nito at panay na ang sorry sa kanya.

"Hinagod ko na lang siya, baka ninenerbyos na siya or what. Sabi ko, 'Kalma ka lang sir, ok lang yan."

Imbis na magalit, magmura o sisihin ang driver kalmado itong nakipag-usap at inisip pa ang kalagayan ng driver.

Iniisip din niya ang magiging epekto nito sa kanyang pamilya lalo na at mayroon siyang dalawang anak.

Nais kasi niyang maging mabuting ehemplo sa mga ito at balang araw, pamarisan siya sa kabutihang ipinakita niya sa sitwasyong ikinagagalit na ng iba.

Sa dami rin umano ng mga problemang kinahaharap ng bawat isa dala ng pandemya, mainam na daanin na lamang sa maayos na pag-uusap ang sitwasyon lalo na at wala naman umanong nasaktan.

"Ung mga maliliit na bagay na pwede naman idaan sa magandang usapan. Ganun na lang. Palipasin na lang. Andami daming problema ngayong pandemya. Wag idaan sa init ng ulo. Spread Love guys."

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang post ng customer na patungkol sa delivery rider na kahit naaksidente, nai-deliver pa rin ng maayos ang kanyang order.

Namangha pa lalo ito nang tanggihan ng rider ang karagdagan niyang tulong dahil sa 'di naman inaasahan ang pangyayari na bahagi rin daw ng kanyang hanapbuhay.

Kaya naman naisipan na lamang ng customer na mag-organisa ng fundraising upang makalikom ng tulong pinansyal at pambili ng safety gear ng rider.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica