Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya

Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya

- Naantig ang puso ng isang customer matapos na malaman ang sinapit ng delivery rider bago nito maihatid sa kanya ang kanyang order

- Nagtaka umano siya dahil natagalan ang rider na naaksidente pala bago makarating sa kanila

- Panay raw ang sorry nito ngunit mas lalong napatulala ang customer nang makita ang mga sugat at galos ng rider

- At dahil humanga siya sa serbisyo nito, naisipan niyang mag-organisa ng fundraising campaign para matulungan ang masipag na delivery rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Maria Kriselda A. Galon patungkol sa kahanga-hangang serbisyo ng delivery rider na si Jeoffrey.

Nalaman ng KAMI na naantig ang puso ni Kriselda dahil sa nagawa pa rin ng deivery rider na maihatid ang pagkain ng customer kahit naaksidente ito.

Kwento ni Kriselda, binabantayan niya kung nasaan ang rider na magde-deliver ng kanyang pagkain.

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya
Photo: Grab delivery rider (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Bukod kasi sa gutom na talaga siya, natatagalan din ito kumpara sa oras na dapat ay nakarating na ito sa kanila.

Nakarating naman ito at nai-deliver ang kanyang pagkain ngunit agad na napansin ng customer ang mga sugat at galos ng rider.

"Habang papalapit pansin kong medyo pagod na ang mukha, pawisan, magabok ang suot, at medyo may edad na din"
"Habang nagsosorry siya, natulala na ako, nakatingin sakanya, butas ang pantalon sa parteng tuhod, may mapulang sugat... at pati kamay dami gasgas. Nanlumo ako. Di ako maimik."

Kahit na kitang-kita naman ang posibleng sinapit ng rider, tinanong pa rin ito ni Kriselda upang makumpirma ang nangyari.

"Naaksidente si kuya rider. Kaya daw lalo natagalan ay dahil nakipag areglo na sa nakabangga. Salamat naman at hindi tinakasan at inabutan na lang daw ng pampacheck-up/gamot"

Ang nakamamangha pa raw kay "Jeoffrey", tumanggi ito sa karagdagang pera na iniaabot ni Kriselda nang bayaran na niya ang kanyang order.

Read also

Viral na MedTech na tinapos ang gawain kahit nasusunog na ang kalapit na gusali, hinangaan

"Mam, ayos lang po, trabaho po namin to. Huwag na po mam, ayos laang po," paliwanag umano ng rider ngunit nagpumilit pa rin si Kriselda na ibigay ang dagdag tulong kay Jeoffrey.

"Sa halagang 300 pesos na order ko, magiging kapalit ang buhay ni kuya rider. Nagi-guilty ako. Kung nagbaon na lang sana ako, hindi sana siya nagkaganun," emosyonal na pahayag ni Kriselda sa kanyang post.

At dahil labis siyang humanga sa kasipagan at dedikasyon sa trabaho na ipinakita ni Jeoffrey, naisipan umano ni Kriselda na mag-organisa ng fundraising campaign para sa rider upang makabili ito ng safety gear. Sa ganitong paraan, maaring mas magiging ligtas ang rider sa kalsada at hindi na muling magtatamo ng matitinding sugat na sinapit nito sa aksidente.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis

Kamakailan, isang masuwerteng delivery rider ang natulungan ng mga Pinoy fans ng BTS matapos na mag-viral ang post nito.

Sinabi kasi niyang masaya siyang magde-deliver ng mga BTS meal ng McDonald's sa launching nito sa bansa na ikinatuwa ng mga 'BTS Army" ng Pilipinas.

Katunayan, nakalikom sila ng nasa Php45,000 labis na ipinagpasalamat ng masipag at masayahing rider.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica