Delivery rider, proud na nakapagtapos ng kolehiyo habang nagtatrabaho
- Viral ang post ng isang delivery rider na suot na ang kanyang toga habang bitbit ang delivery bag at kanyang jacket
- Buong pagmamalaki niyang sinabi na dahil sa pagiging isang delivery rider nakatapos siya ng kolehiyo
- Bagong yugto naman ng kanyang buhay ang kanyang haharapin at pag-iipunan naman niya ang kanyang board exams
- Kaya naman tuloy pa rin niya ang kanyang hanapbuhay bilang isang delivery rider na labis niyang ipinagpapasalamat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang humanga sa isang delivery rider na buong pusong ipinagmamalaki na nakapagtapos na siya ng kolehiyo.
Sa post ni Oliver Calope, makikita ang kanyang 'toga picture' habang bitibit pa rin ang kanyang delivery bag at hawak ang jacket niya sa "Lalamove."
"Salamat LALA dahil Sayo nako MOVE ako para makagraduate"
Ngiting tagumpay si Oliver sa kanyang larawan na sumisimbolo ng lahat ng kanyang pagsisikap at sakripisyo habang pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at trabaho.
"Mahirap ulan at init ang kalaban peru lahat kinaya para sa pangarap makapagtapos di tayo susuko"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
At ngayon, panibagong yugto naman ng kanyang buhay ang kanyang haharapin. Patuloy pa rin siya sa kanyang hanapbuhay bilang delivery rider habang naghahanda naman siya sa kanyang board exams.
Labis din niyang ipinagpapasalamat ang mga taong nagbigay ng inspirasyon sa kanya upang makamit ang kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.
"Salamat sa mga taong nagbigay ng tip sa kada biyahe at nagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy kaya LALAMOVE booking pa more!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng post ni Oliver:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay humanga rin ang marami sa jeepney driver na nakapagtapos ng kolehiyo.
Sinikap talaga niyang mapagsabay ang pag-aaral at pamamasada dahil ayaw na niyang pahirapan ang kanyang mga magulang para sa gastusin niya sa pag-aaral.
Hindi naman siya nabigo dahil nakamit niya na niya ang isa sa kanyang mga pinapangarap sa buhay at ito ay ang makatapos ng pag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh